Chapter 30

100 2 0
                                    

ENZO'S POV

Nasa condo na ko ngayon. Kakauwi ko lang galing sa opening ng mall kanina. Nagtuloy naman ang program na parang walang nangyari. Tapos sina Kyle at Yumi,ayun ayos na. Natatawa na lang ako habang naririnig ko yung pagtatalo nila kanina. Adik talaga tong si Ate Chloe,hindi ba naman i-off yung mic sa audio room!! xD

Naisip ko din na siguro mas mabuting magkaibigan na lang kami ni Yumi pero hangga't may nararamdaman pa ko para sa kanya,nandto lang ako para saluhin siya kung gagaguhin man sya ni Kyle.

*beep. beep*

1 new message.

------- 

From: Nay Alice (+0917*******) 

Message:

Nak,pista samin sa sabado. Punta k. Sama mo Yumi. Mwah mwah tsup tsup. ;*

Received 7:09 pm

 ------

HAHAHAHA. Dami kong tawa sa mwah mwah tsup. xD Bangis talaga ni Nay Alice. Tanda niyo pa siya? Yung mapapagkatiwalaang tao reyna ng kusina sa Coffee Call? Oo siya yun. Yung seksi. Hahaha. Nagreply na agad ako.

Teka,isama ko daw si Yumi. Nag-group message na lang ako kina Yumi,Kyle at Chloe. Baka lang gusto nila sumama. Sabi ni Kyle,sasama lang siya kung kasama si Yumi. Eh sabi ni Yumi,makakasama siya. Sakto. Aww,shit wait. Ano ako chaperone?? Potek. Bahala na nga. Para kay Nay Alice.

Maaga pa sa Sabado 8 am sharp. Sagot ko na ang byahe. Zzzz..

-------

SABADO! XD

"Good morning Enzo!",bati ni Yumi. Parang wala kaming pinag-awayan ah. Hanep talaga. Bilis magpatawad.

"Good morning din. Oi Kyle.", mukang bored si Kyle. Si Yumi lang talaga pinunta ng gago. Tsk.

"Yo. Di makakapunta si Chloe. Busy. "

"Ok lang. Tara na."

Tarlac ang destinasyon namin. Malayo-layo rin to. Nakailang stop over din kami at halos lahat ng yun ay dahil naiihi si Yumi. HAHAHA. Bladder issues. xD

Mahigit 6 hrs din ang byahe,nakakapagod. May dala nga pala kaming cake na nabili lang namin sa nadaanan naming mall. xD

Paikot ikot na kami sa Pook Masaya. Ang sasaya nga ng tao. xD

"Saan ba dito yung bahay ni Manang Alice??",tanong ni Yumi. Oh shit. Di ko pala alam. Pumarada muna ko.

"Shit. Dito lang kayo ah. Pagtatanong ko lang!",sabi ko.

She is Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon