Chapter 34

66 1 0
                                    

 *Flashback ng mga ilang oras. POV muna ni Prime para lumiwanag buhay. Chos. Game*

PRIME'S POV ( Dahil matinik sya at nabuntis nya si Samantha may freebie din sya. Joke lang -____-)

Naglalaro ako sa phone ko ng may marinig akong ingay mula sa baba. Parang may kasamang iba si Yumi. Lalaki ata? Matanong nga tong si Irish na nakikitambay sa kwarto ko at naghahanap ng mahihiram na comics.

'Hoy bubwit. Sinong kasama ni Yumi?',tanong ko.

'Si Enzo. Classmate nya. Gagawa daw silang assignment. Magluto ka nga pala Primero lalo na at wala si Mama tapos may bisita.'

Tssssk ano pa nga ba? Inaalipin lang ako dito eh parang sa trabaho ko. Badtrip. 

Bumaba na ko para magluto. Bakit ba hindi mag-aral magluto tong si Yumi para naman hindi nila ko inuutusan kapag may bisita. Wala namang talent fee. Sayang lang skills ko dito eh.

After 45 minutes..

Patapos na din ako magluto. Hmm. Wait. May bagong tao na naman sa sala? Sinilip ko saglit.

..

What the. Bakit nandito si Samantha?? Sabi na nga ba boses nya yun eh! Shit. Anong ginagawa nya dito? Apat na bwan na kaming hindi nagkikita. Kapatid niya pala tong Enzo na kasama ni Yumi. Tssk.

Parang tumataba na si Samantha. Siguro dahil na din nagbubuntis sya at dala nya ang baby namin. Dapat sarapan ko tong niluluto ko. Tamang-tama paborito nya pa naman tong Sinigang. Sana kahit dito man lang makabawi ako..

Namimiss ko na si Samantha..

Ako naman ang nakipaghiwalay saming dalawa eh. Ang tagal din namin na nagin magkarelasyon. Tinago pa namin sa magulang niya kasi nga strikto sa kanila at hindi naman kami bagay pero nang biglang sinabi sakin ni Sam na buntis sya at ako ang ama..hindi ko kinaya.

Mahal ko sya pero mas mahal ko ang pamilya ko. Ang dami ko pang responsibilidad sa pamilya ko. Hindi ko pa kaya na bumuo ng sarili kong pamilya. Hindi pa nakakapagtapos ang dalawa kong kapatid tapos iniwan pa kami ng tatay namin. Shit.

Badtrip talaga. Kung pwede ko lang ibalik ang oras,ibabalik ko sa araw na sinabi sakin ni Sam na magiging tatay na ko. At kapag nangyari yun,gagawin ko ang tama pero ang tanga ko..ang gago ko! Ang tanga ko para iwan sa ere si Sam.

Yung araw na yun ang nagturo sakin at nagmotivate sakin para maging mas mabuting tao para kapag dumating ang araw na makakaharap ko na ang anak ko,masasabi man lang nya na may nagawa ako at na maiipagmalaki nya ko. Kahit konti lang.

Alam ko naman na hindi ako yung nararapat para kay Samantha o para sa maigiging anak ko kasi sino ba naman ako,yung gagong nang-iwan?yung miserable? na mahirap? Ang malas malas niyo sakin..sana,sana talaga kung hindi na ako tatanggapin ni Sam kung sakaling babalikan ko sya..makakilala sya ng iba na maiibigay at magagawa ang lahat ng bagay na hindi ko nagawa para sa kanila.

Si Samantha Ramirez. Naging classmate ko sya nung college sa isa kong subject. Tinitingnan ko lang sya mula sa sulok ng room dati. Lahat naman ata ng lalaki ganon as kanya. Kahit likod nya ata kasi maganda. Tss Nakakainit na nga ulo yung dami ng naghahabol kay Samantha noon. Pano nya ba ako mapapansin nyan??

She is Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon