Chapter 23

119 3 2
                                    

YUMI'S POV

'Yumi..'

Lumingon ako sa isang pamilyar na boses. Nakita ko ang bestfriend ko. Si Jess. Malungkot siya. Lumapit sya sakin at niyakap ako habang may body guard sya na nagpapayong samin.

'Yumi,Im sorry. I didn't know..'

Saka lang ako naiyak ng naiyak.

'Tara Yumi. Sumakay ka muna sa kotse ko at dun ka muna sa bahay namin dito mag-stay.'

Sumunod na lang ako. Sobrang pagod na ko. Hindi ako naniniwala na magagawa sakin ni Jess yun. Yung sinasabi ng mga babae sa CR,alam ko hindi yun totoo. Pumasok ako sa kotse.

'Yumi,babalikan kita sa bahay mamaya. May dapat lang akong asikasuhin sa party. Take a rest.',sabi niya sakin.

'Manong,ihatid mo na si Yumi.',at umandar na ang kotse.

Ibinaba ako sa isang simpleng bahay lang. Inabot sakin nung driver ang susi. Umakyat na ko. May nakita akong damit sa cabinet kaya nagpalit na din muna ko. Hay. Sayang yung dress,nabasa lang sa ulan.

Yung make-up ko,kumayat na. Yung buhok,ang gulo. Ang miserable ko ngayong gabi. Hay. Kapagod. At least may bestfriend pa din ako. Hindi na mahalaga si Kyle. Hindi nga ba?

Humiga na ko at natulog..

JESS' POV

Oo may POV ako mga readers. Wag kayo magulat. Ngayon,Im on my way to rest sa isang hotel. Tapos na ang party eh. Bukas ko na lang pupuntahan si Yumi.

Alam kong hinahanap ni Kyle kanina si Yumi nung magkasalubong kami. Mas hot pala sya pag galit. Buti na lang dumating ang mga usiserang bisita para magtanong samin. Bago ko pa man siya makasalubong,naipadala ko na si Yumi sa isang bahay namin dito sa Nuvali. Haha. Hindi na siya makikita ni Kyle for the rest of the night. For sure,exhausted yung babaeng yun. Kilala ko yun eh. Duh.

Bestfriends kami ever since. Alam kong matalino siya kaya naman sa kanya ako lagi dumidikit. Ayoko kaya mag-aral kaya nanggagaya lang ako sa kanya. Alam ko na namang naturally smart na ko,Im just saving it for worthy opportunities at hindi sa school yun. Kaya naman ginamit ko si Yumi.

Matagal ko ng crush si Kyle. Nakikita ko palang siya sa mga pictures sa toy stores kase nag eendorse sya,super dream ko na talaga na siya yung mapapang-asawa ko. He is so perfect. Then all of a sudden,napansin kong napapalimit mag-usap si Kyle at Yumi. May one time pa nga na lagi akong umeepal sa kanila eh. And what really got me was when I came back from Macau, binigyan ng gift ni Kyle si Yumi ng gift nung Christmas Party. Umalis pa sila ng sabay. Alam ko na kung san sila pupunta nun.

Hindi ko alam kung anong nakita nya sa stupida na yon. Ang bobo talaga nung Yumi na yun eh. Sabi na nga ba e award winning actress ang beauty ko. Akalain mong naniwala sya na friends pa kami kanina? What the hell. At kung nakita nyo lang yung super iw nyang muka plus iniyakan nya pa ko sa dress. Sheesh.

Im so happy tonight. Finally,I can be with the man of my dreams at kung sino mang eepal,patay!

Super nastress ang kagandahan ko ngayong gabi. Itutulog ko na lang to at kailangan ko na namang umacting tomorrow for that stupid girl.

KYLE'S POV

Umalis na lahat ng bisita. Kami na lang ni Ate ang natira sa venue.

'Putangina! Kapag may nangyaring masama kay Yumi..kasalanan ko to eh!'

'Hindi mo to kasalanan. Hindi naman natin alam na ganito ang mangyayari.',sabi mg ate ko.

'Fuck. Mas mabuti pang tigilan ko na siya eh. Hindi yung ganito. Napapadawit sya sa gulo ng buhay ko!'

She is Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon