Chapter Five: Coldness

85.6K 1.8K 54
                                    

Chapter Five: Coldness


JIANNE

"Jiji!" His face enlighten when he saw me. Agad siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sidewalk at pinagpagan ang nadumihang pantalon. "Akala ko hindi ka na darating." Nagawa pa niyang ngumiti sa kabila ng mga nangyari sa kanya.

"Yuan, okay ka lang?" Bumaba ako ng pick-up upang lapitan siya. "Hindi ka ba nila sinaktan?" Siniyasat ko ang kanyang kabuuan at sinigurong wala siyang pinsala.

"I'm okay. Cellphone at wallet lang pakay sa akin ng mga holdaper. Mabuti na lang at may aleng nagmagandang loo na pahiramin ako ng cellphone. Iyon ang pinantawag ko sa'yo kanina."

Halos paliparin ko ang pick-up para lang puntahan ang kinaroroonan niya. Mga sampung kanto rin ang nadaan ko bago ko siya natagpuan. Dahil kahit siya ay hindi niya alam kung saan lugar siya naroroon.

"Bakit naman kasi bigla ka na lang umalis?" Pagkatapos siyang ipagtabuyan ni Mark ay bigla na lamang siyang naglaho. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

"Tama si Mark. Hindi tayo pwedeng magsama sa iisang bahay. Iba ang culture dito kaysa sa Paris. Kaya nagdesisyon ako na mag-stay na lang sa hotel."

"Pero ano naman ang napala mo?" Napakamot ng ulo si Yuan.

"I know, katangahan ang tawag doon. Sorry, kung naabala pa kita."

"Nag-alala ako sayo kaya ako nandito. What?" Mataman kasi siyang nakatitig sa akin. "Sumakay ka na nga." Itinulak ko ang binata pasakay ng pick-up.

"Kukunin ko lang ang mga gamit ko at aalis din ako kaagad."

"No, you stay." Hindi lumilingon na sabi ko habang nagmamaneho pauwi.

"Pero..."

"No more buts, Yuan. Hindi ka aalis ng bahay. Kung ang iniisip mo ay tungkol sa sinabi ni Mark, forget it. May pagkapakilamero lang talaga ang isang iyon."

"He never change. He still cares for you." Nang lumingon ako sa kanya ay nakatingin siya sa labas ng bintana. "Katulad pa rin siya ng dati."

"Acting as if my big brother? Sanay na ako."

"Ganun ka rin naman sa akin. You only saw me as your little brother."

Nang muli akong lumingon ay nakatingin na siya sa akin.

"Dapat ka na rin masanay, Yuan."

"Ouch!" Sinapo niya ng kamay ang dibdib. "Basted na agad ako sayo?"

"Tigilan mo nga ako ng mga kalokohan mo!" Madalas niya akong idinadaan sa mga palipad hangin niya at wala akong balak na seryosohin iyon.

I heard him let a long sigh. "Jiji, ano ba ang dapat kong gawin?"

"What I want you to do is stay in the villa and stop pestesing me. Sa paraan iyon ay magkakasundo tayong dalawa."

Ilang sandali ang nagdaan bago siya sumagot. "Okay. If that is what you want. But I won't give up on you."

Kinaumahan, nagulat pa ako nang makasabay ko si Yuan pababa ng hagdanan. Ang aga niyang nagising.

"Morning, Jiji!"

"Aalis ka?" Nagtatakang pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Bihis na bihis kasi siya.

"Aakyat ako ng ligaw."

Umangat ang kilay ko. "Umagang-umaga?"

"Selos ka naman!" Pinisil ni Yuan ang tungki ng ilong ko.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon