Chapter Twelve: Nuisance

79.1K 1.9K 107
                                    

Chapter Twelve: Nuisance


JIANNE

Pakiramdam ko ay kumikiliti sa aking leeg. Hindi ko napigilan mapahagikgik.

"Mark naman eh!"

Ang nakakaliting pakiramdam na iyon ay umakyat sa pisngi ko hanggang sa ilong pababa sa aking labi. Awtomatikong napanguso ako.

Meoww!

Meoww? Pagmulat ko ng mg mata, bumungad sa paningin ko ang mukha ni Kitkat. Nabalikwas ako ng bangon at mariing ikinukos ng palad ang bibig. Pwe! Anak ng pusa naman! Napeke ako. Buong akala ko talaga ay si Mark iyon. Panaginip lang pala ang lahat.

Meoww!

"Stay away from me!" Pagtataboy ko kay Kitkat. "Ayoko sa'yo. Manyak ka!"

"Sinong manyak?"

Paglingon ko ay nakatayo si Mark sa pintuan ng kanyang kuwarto. Magulo ang buhok at namamaga pa ang mga mata. Ang guwapo pa rin niya kahit bagong gising.

"Hindi ka na naman umuwi sa inyo!" Nahagip ng kamay niya ang throw pillow at ipinukol sa akin. Tinamaan ako sa mukha bago pa ako makailag.

"Kasalanan mo kung bakit hindi ako nakauwi!" Inis na ipinukol ko pabalik sa kanya ang unan na agad naman niyang nasalo. "Akala mo ba gusto kong matulog dito sa sofa?"

He smiled huskily. Good mood ang binata. Mukhang maganda ang kanyang gising. Mabuti pa siya!

"Sinabi ko ba na d'yan ka matulog?"

"Sa sobrang pagod ko kagabi dito na ako inabot sa living room. Baka akala mo magaan ka. Daig ko pa nagbuhat ng dalawang kaban bigas."

Tinawanan lang ako ni Mark at muli akong pinukol ng unan. Mabuti na lang at maagap kong nasalo iyon.

"Umuwi ka na. Siguradong nag-aalala na sa'yo ang kapatid mo."

"Ganon lang iyon? Wala man lang thank you?"

"Thanks. Now leave."

"Hindi mo ba muna ako pag-aalmusalin bago mo ako paalisin?"

Tumayo si Mark at tinungo ang kusina. Pagkaraan ay bumalik din siya. "Magbihis ka. Sa labas na lang tayo mag-aagahan."

Wala sa loob na niyuko ko ang sarili. "Wala akong dalang spare clothes."

Akala ko ay hindi ako narinig ng binata. Dirediretso siya sa kanyang silid. Pagbalik niya ay may bitbit siyang malinis na damit.

"Bilisan mong magpalit. Nagugutom na ako." Iyon lang muli akong tinalikuran ni Mark.

Hindi ko napigilan mapangiti nang makita ko ang itsura sa harap ng salamin. Suot ko ang kanyang oversize na t-shirt at cargo short na lumagpas sa aking tuhod. Boyish na boyish ang outfit ko.

"Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan? Tara na!"

"Oo na sungit!"

Buong akala ko pa naman ay sa isang mamahaling restaurant ako dadalhin ni Mark. Iyon pala sa Mc Donalds niya lang ako pakakain. Dismayado man, in-enjoy ko na lang ang moment na kasama siya.

Pagkatapos kumain ay bumalik din kami kaagad ng pad. Sakay na kami ng elevator nang muling magsalita ang binata.

"Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin mo sa salamin. What's wrong?"

"Parang namamaga ang mga labi ko." Nakanguso akong lumingon sa kanya. "Napaso kasi ako sa kape kanina."

"Hindi ka kasi nag-iingat. Sunggab ka na lang ng sunggab. Patingin ka!" Itinaas niya ang baba ko at magkasalubong ang mga kilay na tinitigan ang nakausli kong nguso. "Wala naman nagbago. Sadyang mahaba lang talaga ang nguso mo."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon