Chapter Thirty Two: Missing

54.5K 1.3K 237
                                    

Chapter Thirty Two: Missing


"Jianne, wake up!"

I knew that voice sounded very familiar to me.

"Jianne!"

I opened my eyes halfway. I saw her beautiful face staring down at me.

"Jianne, get up!"

"I-I can't!"

"You need to get out of here!"

"But why?"

"Save you self!" Parang echo ang tinig niya na paulit-ulit sa pandinig ko. Unwillingly I closed my eyes. Unti-unti akong hinihila ng matinding antok na pilit kong pinanlalaban. But when I opened my eyes again, she was gone.

Cheska? I knew it was her. Hindi ako maaaring magkamali, siya talaga ang kausap at kasama ko kani-kanina lang. But she is no longer in this world. Hindi kaya nananaginip o nagha-hallucinate lang ako?

Inilibot ko ang paningin sa di-kilalang silid. Kasunod ng pagtataka kung saan ako naroroon, bumalik sa isipan ko ang mga pangyayari.

"Argh!" Napigil ako sa pagbangon dahil sa matinding sakit sa kanang bahagi ng aking tagiliran. May plaster akong nakapa at sa ilalim n'yon ay ang sugat na natamo ko mula sa basag na salamin. Dalangin ko na sana ay hindi malala ang sugat. Kakailanganin ko ng sapat na lakas upang makaalis kung saan man ako naroroon.

Pinilit kong bumangon at muling nilibot ang paningin sa paligid. It was an old room. Gawa sa kahoy ang mga pader na bahagya nang nababakbak ang kulay asul na pintura. Maliban sa mga lumang upuan, mesa, aparador at kama ay wala nang ibang gamit na naroon. It looks like an abandoned room.

Sapo ang sugat ay pinilit ko ang sarili na tumayo. Kailangan kong kumilos bago pa tuluyan may mangyaring masama sa akin. Ramdam ko na hindi ako ligtas sa lugar na iyon. Ang mga bintana sa kaliwang bahagi ng silid ang una kong nilapitan ngunit sa paghawi ko sa maalikabok ng kurtina, tumambad sa akin ang malalaking flywood na sinadyang itabing doon. I have no option but to use the door. Pero katulad ng inaasahan ko ay naka-locked iyon.

"Tulong! Tulungan n'yo ako!" Sa nanghihinang tinig ay sinubukan kong humingi ng saklolo. Nagbabakasakali na mayroon makarinig sa akin. Ginamit ko ang natitirang lakas at kinalampag ang pinto ngunit hanggang sa mapagod ako ay wala naman nangyari. Dumausdos ako pababa na tila kandilang nauupos. Hindi ko na kaya. Unti-unti kong nararamdaman ang panghihina ng buong katawan.

"Ano ang dapat kong gawin? Tell me..." I don't know if I was talking to myself or to Cheska. Hindi ako makapag-isip ng tama at namimigat ang talukap ng aking mga mata. Kasabay ng pagsapo sa tagiliran ay binalot ng kadiliman ang paningin ko.




MARK

Basta ko na lamang ipinarada ang kotse nang kung papaano na lang at nagmamadaling bumaba. Nahagip ng mga mata ko ang kulay asul na Lexus na nakaparada sa gilid ng bakuran. Tama ang sinabi ni Louie, hindi pumasok si Kristofe sa trabaho.

"He's here?" Tanong ni Sonnie mula sa likuran ko. Kasunod niya sina Cass at Gabby. Sa halip na sumagot ay tuluy-tuloy ako sa loob ng kabahayan.

"Si Kristofe?" Tanong ko sa nagitlang katulong na sumalubong sa akin.

"N-nasa itaas po."

Nagmamadali akong umakyat ng hagdan at tinungo ang silid ng binata. Hindi naka-lock ang pinto kaya basta na lamang akong pumasok.

"Mark?" Kalalabas lang ni Kristofe ng banyo nang makita ako. Bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. "Anong ginagawa mo rito?"

"Nasaan si Jianne?" Sinunggaban ko siya sa kuwelyo at itinulak sa pader. Ngayon lamang ako nagalit ng husto na gusto kong manakit ng kapwa. "Anong ginawa mo sa kanya!"

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon