Chapter Twenty Six: Unseen

48.9K 1.2K 66
                                    

Chapter Twenty Six: Unseen



MARK

Kasalakuyan akong nag-aalmusal nang pumasok si Kristofe ng kusina. Dinaanan niya lamang ako na tila hindi niya nakita.

"Manang, pahingi po ako ng kape." Puwesto siya sa kitchen island, tatlong upuan ang pagitan sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi rin naman ako magtatagal at aalis din ako. Sa villa ako nagpalipas ng gabi ayon na rin sa kagustuhan ni Papa.

"How's your sleep?" Hindi ko inaasahan na tanong ni Kristofe. "Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?"

"Not really. Hindi ako sanay makitulog sa ibang bahay, even it's my own house before."

Narinig kong tumawa siya. Tawa na nakakaasar.

"It's been fifteen years, right? Magmula noon ay hindi ka na umuwi rito sa villa."

"I have my own reason. At pareho natin alam kung ano iyon."

"I hope it's not me."

"How's your mom?" Pag-iiba ko ng topic. May mga bagay na mas importanteng pag-usapan kaysa makipag-inisan sa kanya.

"She's calm and peaceful." Biglang nagbago ang timpla ni Kristofe. "At sana ganon pa rin si Mama paggising niya."

Last night was her worst attack. Na kahit si Papa ay hindi malaman ang gagawin at napilitan humingi ng tulong sa aming dalawa ni Kristofe. We tried to convince him na dalhin na namin si Tita Belle sa isang mental institution. Subalit ganoon na lamang ang pagtanggi ni Papa. Hindi pa rin niya matanggap na nababaliw na ang kanyang asawa.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Mark. Her condition is getting worst and I'm worried too much for her."

"Sa palagay ko ay hindi nakatulong kay Tita Belle ang pag-uwi niya ng Pilipinas. This place always reminds her of Cheska."

"Do you think we should take her back to Australia?"

"Kahit gustuhin natin, si Papa pa rin ang magdedesisyon tungkol sa bagay na iyan."

Sa unang pagkakataon ay nagkasundo kami ni Kristofe sa iisang bagay. Hindi ko malaman kung dapat ko iyon ikatuwa. Dahil sa mahabang panahon ay tila may 'silent competition' sa pagitan namin dalawa. Siguro dahil hanggang ngayon, pakiramdam ko ay mas pinapaboran siya ni Papa kaysa sa akin. Nagseselos ako sa atensyon na binibigay sa kanya at pakiwari ko ay kinukuha niya ang lahat ng mayroon ako.

"Do you like her?"

Kunot-noong lumingon si Kristofe sa akin.

"Jianne. Do you like her?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Magagalit ka ba sa akin kung sasabihin kong oo?"

Nawalan ako ng sasabihin. Gayunpaman ay hindi ko nagustuhan ang narinig. Bakit ba kasi naisip ko pang magtanong?

"Got to go." Tumayo si Kristofe at humakbang palabas.

"What do you see in her?"

Huminto si Kristofe ngunit hindi lumingon. "Everything you dont!"


JIANNE

Dismayong napaungol ako nang matanaw ang paparating na binata. Halos kabubukas pa lang ng talyer, heto at naririto na naman siya. Hindi ba dapat ay nasa ospital ang lalaking ito?

"Ji!" Yumuko si Mark at sinilip ako ilalim ng sasakyan. Balak ko sanang pagtaguan siya. Pero malamang, naituro na agad ni Bogard kung nasaan ako.

"Jianne, lumabas ka d'yan at may sasabihin ako sa'yo."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon