Chapter Eleven: New Her

77.5K 1.8K 160
                                    

Chapter Eleven: New Her


JIANNE

Katulad nang inaasahan ko, hindi maitago ang pagkagulat sa mukha ng mga kaibigan nang makita ako.

"What do you think, guys?" Nakangising tanong ko nang lumapit sa okupado nilang mesa. Gusto kong malaman ang kanilang mga opinyon sa pagbabagong ginawa ko sa aking sarili.

"Hindi ikaw ang kaibigan namin, nasaan na si Jianne?" Eksarehadang wika ni Sonnie kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.

"Anong trip iyan? Bakit mo naman pinakulayan ng ganyan ang buhok mo?" Obyus ang pagkadismaya sa tinig ni Cass.

"Jianne, para kang anime," nangingiting sabi naman ni Gabby. "Kamukha mo na si Naruto."

Anuman ang sabihin nila, alam kong bumagay sa akin ang piniling hairstyle. Hindi ko alam kung anong tawag doon, pero pinasadya ko talagang pabawasan ang mahaba kong buhok at pina-bleach iyon ng matingkad na kulay.

"Guys, anong meron?" Puwesto ako sa bakanteng silya sa tabi ni Cass. Wala akong ideya kung bakit bigla na lamang nagpatawag ng meet up ang mga kaibigan.

"Ikaw ang dapat namin tanungin kung anong mayroon sa'yo?" Seryosong tanong ni Cass. "Bakit ganyan ang itsura mo?"

"For a change." Panggagaya ko sa script ni Bogard. Subalit mukhang hindi ko sila kumbinsido sa sinabi ko.

"Hulaan ko..." Mataman akong tinitigan ni Gabby. "Heartbroken ka no?"

"Pakshet! Binasted ka na ni Mark?" Pinukpok ng kamay ni Sonnie ang mesa dahilan para maagaw ang atensyon ng ibang kostumer.

Hindi ako kumibo. Hindi ko man aminin, alam kong may bahagi ng damdamin ko ang naapektuhan. Para na rin akong binasted ng binata sa ginagawa niyang pambabalewala sa akin.

"Sa ganda mong iyan, no pansin ka pa rin sa guwapo pero masungit na doktor na iyon? Hindi lang siya bulag, sobrang manhid pa niya," paglilintaya ni Sonnie.

"Resbakan kaya natin?" Napatingin kami lahat kay Cass. Hindi kami sigurado kung nagbibiro lang siya. "What do you think?"

"Kidnapin natin, pagkatapos ano?" Si Gabby.

"Ipapikot natin kay Jianne para wala nang kawala si Doc. Parang shotgun wedding," suhestyon ni Sonnie. Hindi ko pinatulan ang pagkapraning ng mga kaibigan.

"Honestly, may malalim akong dahilan." Gustuhin ko man sabihin sa kanila ang iniisip ngunit siguradong pipigilan lang nila ako.

"Ano man iyan dahilan mo, goodluck na lang sa'yo," wika ni Cass na pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib na tila nahuhulaan ang tumatakbo sa aking isipan.

"Kamukha mo na talaga si Naruto." Si Gabby ulit.

"Mas mukhang anak-araw si Jianne sa itsura niya," komento ni Cass.

"Jianne, sa palagay mo babagay din sa akin ang ganyang hairstyle?"

"Por pabor, Sonnie, huwag mo nang tangkain kung ayaw mong magmukhang anak-buwan."

"Kung anak-buwan ako, ano ka naman, Gabby? Bungang-araw?" Bago pa namin sila napigilan ay parang mga bastang paslit na naghabulan ang dalawa.

"Ano ba talagang meron ngayon?" Tanong ko kay Cass na mukhang nabubuwiset na sa inakto ng mga kaibigan.

"Birthday ni Sonnie."

"Hindi ba, August pa ang kaarawan niya?"

"Iyon ang nakasanayan niyang i-celebrate. Pero nadiskubre ni Sonnie na February pala talaga ang totoo niyang birthday."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon