Chapter Thirty Six: Missing You

67.4K 1.5K 170
                                    


Chapter Thirty Six: Missing You


"Hey sleepy head, wake up! Ilang araw ka nang natutulog, hindi ka pa ba nagsasawa?"

Gustuhin ko man idilat ang mga mata ngunit nakakapagtaka na hindi ko magawa. Tila may kung anong puwersa na pumipigil sa akin na gawin iyon.

"Ji, I brought your favorite meal. Gumising ka na d'yan!"

I bet it's bibimbap. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko. Medyo matagal na rin nang huli tayong kumain na magkasama.

"Oo nga pala, naglagay ako ng mga bulaklak sa bedside mo. I know you don't like flowers but your room needs to freshen up."

Who says I don't like it? Ikaw lang naman itong hindi nag-e-effort na bigyan ako ng mga bulaklak.

"Ji, open your eyes. I know you can hear me. Please, wake up."

When I finally open my eyes, all I can see is familiar faces. Ngunit wala kahit isa sa mga iyon ang mukha ng taong inaasahan kong makita. Nananaginip lang ba ako na naririnig ko ang kanyang tinig at kinakausap ako?


My heart skip a beat when someone knocks on the door. Magmula kanina ay wala na yata akong ginawa kundi abangan kung sinuman ang papasok sa pintuan.

"Jianne!" Halos tumirik ang mga mata ko nang marinig ang matinis na boses na iyon. "Bakit nakasimangot ka d'yan? Hindi ka ba masaya na makita kami?"

"She's expecting someone else." Kaswal na wika ni Cass nang sumulpot sa likuran ni Gabby.

"Sino? Si Sonnie?"

"Forget it!" Dumiretso si Cass sa gilid ng aking kama at walang pakundangan na iniabot kay Gabby ang bitbit niyang plastic bag na puno ng mga prutas. "Tinawagan ka na ba ni Sonnie?"

"Kaninang umaga lang. May inaasikaso daw siya sa Dipolog kaya hindi siya agad makabalik ng Manila."

"Nangangamoy pag-ibig!"

Kunot-noong tumingin ako kay Gabby na mabilis na kinagat ang mga labi.

"Pag-ibig?"

Hindi kumibo si Cass at nag-iwas ng tingin. Saka naman ang pagbukas ng pinto. Halos mabali ang leeg ko sa paglingon para lang muling madismaya.

"Mam, oras na po para sa gamot ninyo." Nakangiti na lumapit sa akin ang nurse at maingat na inilapag ang bitbit na tray sa bedside. Nakita ko na mayroon siyang inilagay na kulay dilaw na rosas sa vase na hindi ko naman binigyan pansin.

"I wonder why he never show himself to you."

Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang tinutukoy ni Cass. Dahil kahit ako ay nagtataka kung bakit hindi niya magawang silipin man lang ako sa kuwarto. Dalawang araw na ang nakaraaan magmula nang magkamalay ako subalit ni anino ng lalaking iyon ay hindi nagpakita sa akin. Kung tutuusin ay nasa iisang ospital lang kami. Nasa second floor lang ang kanyang opisina habang nasa fifth floor naman ang private room ko. Gaano ba siya ka-busy sa trabaho at hindi niya magawang dalawin ako kahit saglit?

Hanggang sa ma-discharge ako sa ospital ay hindi nangyari ang inaasam ko. Halos mamuti ang mga mata ko sa kahihintay sa kanya. Tuloy, sa sama ng loob ay pina-exile ko ang sarili sa Batanes. Ewan ko ba kung bakit sa dinarami-dami ng lugar sa Pilipinas ay iyon agad ang una kong naisip. Ngunit nakakaisang araw pa lang ako nang bigla na lamang akong ipasundo ng mga magulang at sapilitang pinauwi.

"Where are you going?"

Napigil ako sa pagsampa sa bintana nang marinig ang tinig ni Ate Lara sa aking likuran. Pagkakataon ko na sanang makatakas pero nausyami pa. Napilitan tuloy kong umamin sa kanya.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon