Chapter Twenty Three: Loner

45.3K 1.2K 34
                                    

Chapter Twenty Three: Loner


MARK

Kagagaling ko lang ng conference room. Halos isang oras lamang ang itinagal ng board meeting ngunit pakiwari ko ay katumbas iyon ng isang buong maghapon. I'm tired and starved. Ngunit magugustuhin kong maghinga na muna sandali bago ko lagyan ng laman ang aking tiyan.

"Good afternoon, Dr. Mendoza!"

Nakalagpas na ako nang marinig ang magkakasabay na pagbati ng grupo ng babaing staff ng ospital. I was too occupied that I didn't notice them. Pilit akong ngumiti and women giggled in response. Hindi na ako nagtaka roon. Sabi nga ni Tyron, my smile alone was enough to drive a woman crazy.

Naabutan ko si Valjean na nililigpit ang mga nakakalat kong gamit sa ibabaw ng mesa.

"Hayaan mo na ang mga iyan. Ako na lang ang magliligpit mamaya."

"Maliit na bagay lang ito. Besides, this is my last day. Matatagalan bago ulit kita mapaglingkuran."

"Iyon ay kung papayagan ka pa ng asawa mo bumalik sa trabaho?"

Nangingiti na hinarap ako ni Valjean. "Napag-usapan na namin ni Vince ang tungkol sa bagay na iyan. Pumayag naman siya na bumalik ako sa trabaho pagkatapos kong manganak, as long na kaya kong i-manage ang oras ko para sa aming pamilya."

"That's good to hear!" Isinandal ko ang ulo sa swivel chair at mariin pumikit.

"Problem? Mayroon ba nangyaring hindi maganda sa meeting n'yo?" Naroon ang pag-aalala sa tinig ni Valjean.

Umiling ako. "Wala naman. Sumakit lang ang ulo ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Gusto mong ikuha kita ng paracetamol?"

"Please."

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko hanggang sa lumabas si Valjean ng silid. Nais ko sanang matulog. Iyon lang ang paraan para mapahinga ang isipan ko sa mga bagay na bumabagabag sa akin.

The board meeting didn't end up well. Bukod sa nagisa ako ng todo dahil sa proyektong hindi nakaabot sa deadline, nadismaya ko rin ng husto si Papa. I failed his expectation. Pakiramdam ko ay tuluyan nang nawala ang tiwala niya sa akin.

Sa isang iglap ay nabalewala ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Ito na sana ang pagkakataon ko para mapatunayan ang sarili hindi lang kay Papa kundi sa lahat ng board director. Subalit hindi nangyari ang inaasahan ko dahil sa pakikialam ni Kristofe. Sinadya man niya o hindi, wrong timing ang pagpe-present niya ng bagong proyekto. Na agad naman sinang-ayunan ni Papa at ikinagulat ng lahat. Maraming tumutol, lalo na ang ilang major stockholders, ngunit sa bandang huli ang desisyon pa rin ni Papa ang nasunod.

Habang tumatagal, humihigpit ang kompetisyon sa pagitan namin ni Kristofe. Mga bata pa lang ay nag-aagawan na kami sa atensyon ni Papa. Anak man si Kristofe sa iba ni Tita Belle, itinuring pa rin siyang parang tunay na anak ni Papa. At sa paglipas ng panahon, hindi lang ang atensyon ng sarili kong ama ang nakuha niya, kundi pati na rin ang buong tiwala nito.

Bagaman hindi ako nagsalita sa pagpapalit ng apelyido ni Kristofe sa pagiging 'Mendoza', hindi iyon nangangahulugan na sumasang-ayon ako. 

Hindi rin ako nagpakita ng pagtutol nang bigyan siya ng posisyon ni Papa sa ospital. Hanggang sa ang posisyon na iyon ay mauwi sa pagiging stockholder. Doon ako higit na nabahala. May mali sa mga nangyayari. Hindi ko namamalayan na unti-unti na palang kinukuha ni Kristofe ang lahat ng mayroon ako. At kung hindi ako kikilos, malamang ay makuha nga niya ang lahat, pati na rin ang mga taong mahalaga sa akin.

I don't want to end up living alone forever. Sapat na siguro ang ilang gabi na pinahirapan ako ng sarili kong kalungkutan. Kung noon ay kinaya kong mapag-isa pero ngayon hindi ko alam kung kakayanin ko pa rin.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon