Chapter 27: Surprise

1.5K 39 15
                                    

Chapter 27:  Surprise

TRISTAN’s POV

Nasasaktan ako kapag naiisip kong isang linggo nalang kami pwedeng magkasama ni Lara. After nun, hindi ko na alam kung akin pa ba siya o may nagmamayari na sa kanyang iba.

Ilang beses ko na gustong sabihin sa kanya ang tungkol sa arranged marriage pero hindi pwede. Ayaw kong magagalit sa kanya ang daddy niya.

Ilang beses ko na rin gustong angkinin siya pero pinipigilan ko na rin ang sarili ko.

“Babe? Pakasal na tayo?” tanong ko sa kanya.

“Soon babe… huwag muna ngayon.” sagot niya na parang ordinaryong alok lang ang sinabi ko. Siguro hindi pa siya handa. Pero paano sa susunod na linggo?

Matapos ko siyang ihatid sa dorm nila, dumiretso ako sa bar na tinatambayan ng mga barkada ko. Idadaan ko nalang ‘to sa inuman.

LARA’s POV

 “Pumayag ba?” Ian asked while eating his breakfast.

“Gaano ba yun ka importante? Can’t you look for someone who can take my role? Dad’s staff or other girl maybe?”

“They knew you already. They’re expecting both of us to be there.”

“Urgh! Why is dad so nice to you but so cruel to me? Why is that?”

“It’s maybe because you’re a brat and a hard-headed one.”

“Thanks for the compliment! I really appreciate that!” I said and slammed the door of his condo unit.

Nakakainis! I’m so pissed off! Buti nalang at nakita ko ang love of my life na naghihintay sa kotse. He is wearing shades habang naka polo.

“Oh? Ba’t hanggang tenga ang ngiti mo? Pumayag ba?” he asked.

“Nope.” I said smiling.

Naiba naman ang itsura niya. He was disappointed dahil hindi kami magkasama next week.

“Babe, mahal mo ba talaga ako?” he asked.

“Of course! Bakit? Hindi ba halata?” I said and kissed him. Ngumiti naman siya.

Hinatid niya ako sa dorm at nagmamadali akong umakyat. Dana called na may event kasi sa kanilang department kaya kailangan niyang magayos. She doesn’t know how to apply make-up and to curl her hair kasi.

Pagdating ko sa kwarto niya, she is still wearing her pantulog attire at hindi pa nga nakafix ng kanyang bed.

“Oh? Akala ko may event kayo?” tanong ko.

“Oo, pumunta ka muna sa room mo saka kita tatawagin pagkatapos kong maligo. Pero ako nang bahala couz! Hindi naman pala formal kaya hindi na ako magpapakulot ng buhok. Cge na!” at tinulak niya ako palabas ng room niya. Sheeze! Pasalamat siya at pinsan ko siya.

When I entered my room, Parang hindi ko kwarto ‘to. It has seven boxes wrapped with seven different Christmas wrappers. Ba’t naabot ‘to dito?

 Ang isa nakapatong sa mesa, ang pangalawa nakapatong sa computer desk ko. The third and the fourth ay nasa sahig. The fifth is on top of my chair. The sixth is near my cabinet and the seventh is on my bed.

Saan kaya galing ‘to?

I opened the green box. May nakita akong isang cute na teddy bear. It’s huggable and soft.

FOR EVERY NIGHT THAT I’M NOT WITH YOU

I smiled as I read that note. I know it’s from Tristan at wala nang iba.

I opened the box na nasa computer desk ko. Isang photo album na may gold ribbon.

FOR OUR CAPTURED MOMENTS

Naiiyak naman ako nito. Ba’t ba niya ginagawa ‘to? Naiinlove na ako tuloy!

I opened the red box sa sahig. I saw my favorite chocolates.

FOR YOUR SWEET TOOTH

Habang kumakain ng Ferrero Rocher, I opened the next box. Isang pink jacket na napakalambot.

FOR THE COLD DAYS

Nakakainis talaga siya! Oo na! Nahulog na ang puso ko sayo noon pa! Kilig akong bumukas ng box na nasa upuan ko. Isang libro na ang title “I Love You”. Nang binuksan ko, puno ng mga poems about love.

FOR YOUR INSPIRATION

I opened the sixth box near my cabinet. Naglalaman ito ng isang bracelet.

FOR YOUR WRIST

I started opening the last box sa bed ko at excited ako dahil sa pito, ito ang may pinakamagandang wrapper. May red and gold ribbon pa. Kahit nga excited ako, disappointed din ako dahil wala siya dito. Sana man lang nandito siya para atleast nakita niya ang bawat reaksyon ko kapag bumubukas ng gifts. Sana nakita niya kung paano niya ako pinasaya.

Nang binuksan ko, wala akong makitang gift. Isang nakafold na paper lang. Nang binasa ko yun,

FOR YOUR HEART

“Ang tagal mo namang magbukas ng mga regalo!” bumungad ang isang Tristan na may dalang tatlong bulaklak at isang avocado shake.

“Babe!” halos natumba siya sa impact nang niyakap ko siya.

“Parang matutnaw na ang shake mo oh!” he said.

“I don’t care… Thank you babe!” sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.

“You’re always welcome! Ako sana ang laman ng last box eh, kaya lang hindi ako kakasya.”

“Smile!” sabi ni Dana at biglang nag flash ang camera. “Ang sweet niyo naman!”

Matagal tagal bago ako bumitaw sa pagkayakap kay Tristan. He never fails to make me fall in love again and again every day.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

|1-26-15|

Miss PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon