Chapter 16: UAR Night

1.7K 42 10
                                    

Chapter 16:  UAR Night

DANA's POV

Hinanap ko si Lara sa dressing room pero si Trisha lang ang nakita ko.

"Trish! Paki sabi kay cousin na.. Ahm.. Pagbutihin niya.."

"Ok Dan.." sabi niya habang nililinis ang table niya na puno ng gamit para pang make-up.

"At si Ian din.. Nag extend ng regards.."

"Alam mo na?" gulat na tanong ni Trisha. Tumango naman ako.

"Okay.. Good to know.. I'll tell her later.."

Bumalik ako sa seat namin at perfect timing dahil nag start na ang production number nila. Nakita ko sina Tita Beatrice at ang mommy ni Lara na nasa VIP row.

"The contestants are damn gorgeous. Ang galing nilang sumayaw. Right partner?" sabi ng babaeng emcee.

"You're right partner. They really battle for perfection to win the title Mr. and Ms. University 2014."

"Whaaaaaa! Go Contestant number three!"

"Go Miss Nursing!"

"Education kami!"

"Go College of Arts and Science!"

"Accountancy! Accountancy! Accountancy!"

"Engineering! Goooo!"

Ang ingay ng mga tao. May mga banners at may mga glow in the dark stuffs pa.

"PINSAN KO YAN! GO COUZ!" I shouted.

"Sa tingin mo maririnig ka?" tanong ni Ian. Panira talaga ng trip!

Production number palang, nagshine na ang pinsan ko. Galing humataw with all the facial expression and killer smile.

Nag dance number ang UAR Dance Troup at ang iba pang Dancing Fraternities. Nag intermission number ang Song Bird ng UAR at nakastanding ovation kami.

Matapos ang intermission, pinakita sa screen ang photoshoot nila. Ang ganda ng mga contestants in their sports attire pati sa swim wear.

"Ladies and gentlemen let's roll up our sleeves and witness the handsome and gorgeous contestants of Mr. and Ms. University in their tux and evening gowns. A round of applause please!"

"Di masyadong maganda.." pagcocomment ni Ian sa attire ng second contestant.

"Masyadong dark.." sabi niya naman sa ikalimang contestant.

"Ano ka ba? Engineering graduate na nagdedesign ng mga bahay o costume designer?" tanong ko sa kanya.

"Bading ako eh.." at umupo siya na parang mahinhin na babae.

Naku! Ang seryosong taong 'to na machong-macho bagay talaga maging beki! Wag naman sana dahil mahal ko 'to.

"Lara! Lara! Lara! Lara" sigaw ng mga fan ni pinsan. I'm sure sa business courses ang mga 'to.

I saw Lara walk like a princess with her blue evening gown. Hindi masyadong beaded pero ang mga beads enough para mag spark kapag natamaan ng spot light.

Napakagentleman naman tingnan ng partner niya dahil parang iniingatan talaga siya in her every move.

"Contestant number six is from the college of commerce and accountancy taking up Bachelor of Science in Accountancy. Her dream is to become a successful CPA Lawyer someday." sabi ng emcee.

Ang kay pinsan lang yatang introductions ang pinakikinggan ko. Ang sa iba? Chupe!

After some series of presentations, nangangalay na ang puwet ko.

Miss PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon