Chapter 41: Rooftop

1.3K 29 8
                                    

Chapter 41:  Rooftop

DANA’s POV

“Hi Darling!” bati sa kanya ng isang lalaki habang naglalakad kami sa Administration Building.

“Hey!” Lara replied. Siniko ko siya pero hindi niya ito napansin.

“Thanks about last night.” sabi ng lalaki at tiningnan si pinsan lustfully. Kinabahan naman ako nang marinig yun. Maya-maya, nang medyo nakalayo na ang taong yun, hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong.

“Sheeze couz! Nakasama ko lang yun sa bar kagabi. I just made him hot sa dance floor kaya he’s thanking me.”

“Paano na si Tristan?” walang brake brake na tanong ko. Hindi siya nakasagot agad. Ilang steps pa ang nilakad namin bago siya nakaisip ng maisasagot.

“He’s too good for me. Anyway, hindi ka sasabay?”

“Ahh, hindi na. Diyan lang naman ako sa Newton’s Park. Yung mamaya couz ha? Sa rooftop.”

“Okay couz! Copy that!” she said at nagtungo sa kung saan nakapark si sweetpea.

Hindi naman sa nangengealam ako sa lovelife ni pinsan, gusto ko lang talaga si Tristan para sa kanya. Ayokong bumalik ang dating gawi niya kaya gumagawa ako ng paraan.

Simula nang naging sila ni Tristan, hindi na masyadong maldita si pinsan at palagi nang nakangiti. Hindi ko na rin siya nakitang umiinom at pumupunta sa mga night parties. Hindi na siya hot-tempered at inconsiderate. Somehow, her relationship with Tristan made her a good person. Bottom line, ayokong bumalik ang pinsan kong playgirl na walang ginagawa kundi ang magpakabitter.

Sadly, parang bumabalik na nga. Napansin kong sumasama na siya sa mga parties at umuuwing nakainom. Ang pagtataray niya sa mga dorm mates namin, mas lumevel up na rin. Ayokong magisip ng masama pero hindi ko maiwasang magtanong, “Hindi ba talaga kaya ni pinsan ang magseryoso?”

On the other hand, hindi ako naniniwalang magagawa niya ‘to kay Tristan. They were both happy with each other and I’m a witness of it. Everything seems so perfect when Tristan came in to her life. Naalala ko pa nga nang kunan ko sila ng picture. She was hugging Tristan after niyang buksan ang mga regalo nito. Nacapture ko talaga ang moment na yun at sa pagkakaalala ko, hindi fake ang mga ngiting nakita ko.

She changed nang bumalik siya dito. Baka may nangyari sa kanila ni Kevin kaya naging ganito. Baka naging bitter siya dahil napostpone ang wedding. Baka pinaglaruan lang siya ng Kevin na yun kaya siya nasaktan ulit. Oo! Baka nga! Pero, matalino si pinsan. Si Ian lang ang last na lalaking nagpaiyak sa kanya. Hindi naman siguro siya tanga para hayaang paglaruan siya lalong-lalo na sa taong hindi niya mahal.

Malapit na ang sunset kaya pumunta na ako sa rooftop ng Accountancy Building. Tinulungan ko si Tristan para makausap si pinsan at dito ko sila ipagtagpo. Palagi na kasi siyang iniiwasan ni pinsan. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya bakit biglang naging cold ito sa kanya.

Hayy, kung marami akong hindi nalalaman tungkol sa nangyayari simula nang pinilit si pinsan sa kasalan hanggang sa mapostpone ito, mas maraming hindi nalalaman si Tristan. Kung hindi ko naiintindihan si pinsan ngayon, sigurado akong ganun din si Tristan.

“Couz! Kanina ka pa?” tanong ni Tristan habang dala-dala ang isang bouquet ng red roses.

“Kakarating lang couz. Lara will be here maya-maya. May kinuha lang siya saglit sa Dean’s office.”

After a short while, may narinig na kaming footsteps na umaakyat sa hagdan kaya ngumiti ako kay Tristan. Alam kong si pinsan na ang paparating.

Sa hindi inaakalang pangyayari, may kasama pala ito. She is with her ex, Cybil. Hindi lang si Tristan ang nabigla, pati na rin si pinsan at si Cybil.

“Couz, where’s kuya? What’s this?” tanong ni pinsan na halatang galit. Okay, inaamin ko, nagsinungaling ako pero wala nang ibang paraan eh. Kung meron man, hindi ko naisip yun.

“I asked Dana para tulungan ako. I’m sorry kung… kung naabala kita.” Tristan said habang hawak parin ang beautiful roses.

May binulong si Lara kay Cybil kaya nagpaalam ito. Siguro nagkabalikan sila bilang magplaymate. Sa sahig lang nakatitig si Lara habang naka crossed arms. Narinig kong huminga siya nang malalim bago lumapit sa amin.

“So what’s the catch?” tanong ni pinsan.

“I need to talk to you.” at inabot ni Tristan sa kanya ang mga bulaklak.

Kinuha niya ito at kahit smile o thank you man lang, wala. Parang ako na ang nasasaktan kaya umalis na lang ako kahit gusto ko pa sanang making. Wala rin naman silang privacy kapag nandoon ako. Sana magiging okay lang ang lahat.

LARA’s POV

Hindi ako nagsasalita at hindi ko rin tinitingnan si Tristan. I don’t want to see my reflection in his eyes because I don’t deserve to see the spark. I also don’t want to see the pain I’m causing him.

Tristan told me na ‘dahilan’ lang naman ang gusto niyang marinig.

Paano ba? Sasabihin ko bang mahal ko siya at deal lang ang lahat ng ‘to? Paano kung mapahamak siya? Sasabihin ko bang iwasan na niya ako para lang walang mapahamak? Paano kung magiging heartbreaker ang tingin niya sa’kin? Paano kung isipin niyang pinaglaruan ko lang siya?

“Babe, sumagot ka naman oh.”

“Wala! Wala nga eh!” I harshly said. Damn I really missed calling him babe.

“Kung wala, bakit naging ganito?” he asked with his hands in his pockets. Iniwasan ko ang mga tingin niya. Hindi dahil guilty ako although medjo ganun na nga, kundi dahil ayaw kong makita niyang nasasaktan din ako. After all, our eyes are the windows of our soul. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya if ever our stares would meet.

Anyway, I didn’t answer his question. Wala naman akong dahilan eh. Nakapagisip na ako ng mga dahilan kung sakaling darating ang panahong ‘to pero ni isa, hindi ko kayang sabihin. I can’t dare to tell him that I need a break up, I can’t afford to tell him that I fell out of love. Ang hirap pala magpretend na hindi mo na mahal ang taong mahal mo noh? Yung feeling na gusto mo siyang mayakap pero pinapakita at pinaparamdam mo sa kanya na ayaw mo na siyang makita.

“Hindi mo na ba ako mahal?” he said. Napatingin naman ako sa kanya but he’s not looking at me anymore. Instead of answering his question, I turned around to hide the pain. Hindi ko na kayang magpretend na parang hindi ako affected.

“Kung sasabihin kong oo, iiwasan mo na ba ako?” I asked.

“Kung yan ang gusto mo.”

Dahil depressed ang beauty ko, here I am sa new Bar na naging new tinatambayan ng mga bitches and Casanovas ng Richville. Kung walang sexy stripers sa bar ni Trisha, dito, meron. Kung walang private and dark rooms sa bar ni Trisha, dito, marami. Customers can just hook up whenever they want. It’s a bar for the elite kaya medyo mahal but it’s still worth the price.

“Oh? Masaya ka na?” sabi ko sa lalaking umorder ng cocktail para sa akin matapos ko siyang halikan. He told me na may bayad eh kaya I presume it’s a kiss. Kung hindi, it’s not my problem anymore.

Nagtungo ako sa dance floor and started to dance with the music. Here, I can be wild and cry my heart out. Here, I can go crazy and set aside the problems I have. A man grabbed my waist at nang lumingon ako, siya ang lalaking hinalikan ko a while ago. He reached for my lips pero umiwas ako.

“One is enough dear, I don’t do recap.”

Hinila ako ng stupid na taong yun palayo sa dance floor. Hindi naman sa phlegmatic ako, in cases like this kasi, you have to chill and act unafraid. If they will take an advantage, be smart to make arrangements and play their game.

“Pare, she’s with me.” I heard someone said. Hindi ko nakilala dahil madilim at hindi ko mafamiliarize ang voice dahil napakaingay ng music. Now who the hell is this?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
|3-18-15|

Miss PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon