Chapter 48: Unchanged

1.2K 32 8
                                    

Chapter 48: Unchanged

LARA's POV

"Anong nangyari?" I asked Trisha pagdating ko sa ospital. She called me early in the morning dahil emergency daw.

"He's hurt." simpleng sagot niya.

Then I found out na iniwan pala siya ni Jade. Trisha told be na hindi na raw kayang mahalin ni Jade si Tristan. Jade wants to be his girlfriend and not his nanny. Ayaw daw nitong magkaroon ng boyfriend na hindi makalakad. She is ashamed of him.

Hindi ko alam kung bakit mas galit pa ako kaysa kay trisha ngayon. I felt like umaaso na ang ilong at tenga ko. Who the hell she thinks she is? Wala siyang karapatan saktan si Tristan.

"Do you still love my brother?" biglang tanong ni Trisha sa akin.

Tumango ako.

"Are you sure? Kahit pinalitan ka na sana niya? Kahit hindi na siya makakalakad? Kahit your work for the entire relationship is to push that wheelchair? Kahit half of his body is not that functional?"

Tumulo ang luha ko. Bakit pa kasi umabot kami sa ganito? I can't deny the fact na walang nagbago dahil ang laki-laki ng mga changes. He's not the Tristan I used to know. He's not my tennis buddy, he's not the hot varsity team captain. He's not my lover boy who drives me home and lifts me up just to kiss me goodnight. Hindi na siya magiging pareho sa dati. Everything changed.

Tiningnan ko ang kalagayan niya ngayon, he became a complete stranger to me.

Pero sa kabila ng lahat, whenever I listen to my heart, it tells me that nothing ever changed.

He is still the one that makes my heart beat fast, he is still the one I longed to see waiting for me at the end of the aisle. He is still the one whom I fell in love with every minute of the day. He is still my one and only love.

"Twin?" Trisha's voice brought me back to reality.

"The feeling never changed."

Trisha hugged me and she cried on my shoulders.

"I never thought I would hear those words from you twin." and she sobbed.

...

...

"Last nalang... last nalang talaga." pagpipilit ko sa kanya dahil ayaw na raw niyang kumain.

"Tristan, kumain ka nga! Iniwan ka lang ni Jade mo, magdadiet ka na! Style yan ni Twin! Wag mong gayahin! Tsaka hindi ka mahal ng Jade na yun! Kalimutan mo na siya!" sigaw ni Trisha habang kumakain ng ice cream. Actually 1.5 chocolate ice cream ang hawak-hawak niya ngayon at sinosolo niya ito.

"Trisha naman eh! Dumidiskarte ako dito sa ex ko, wag ka ngang makialam!"

Ano raw? Diskarte? So, rebound girl pala ako nito? Wait, ako nga ba ang rebound girl? Anyway, kung ano man ako ngayon para sa kanya, hindi na muna importante yun.

"Okay! Aalis pala muna ako... Pupuntahan ko lang si Dana sa billing station!" and Trisha left.

Natahimik kaming dalawa sa loob.

Napaka awkward ng katahimikan.

"Ahhh, ayaw mo nang kumain? Here's your water." I broke the silence.

"Lars?"

Sheeze! This tone, this tone makes me remember how I first met him.

"Mahal mo pa ba ako?" he asked.

Halos hindi ako makahinga! Air! Air! I need some air! Ganito ba talaga ang feeling? Sanay naman ako dito eh. Sanay ako kapag tinatanong ako ng playmates ko at relax lang akong sumagot ng 'ofcourse' noon. But now, ewan ko ba. Ganito talaga siguro kapag mahal mo ang nagtatanong. Hindi ba niya alam na matagal ko nang hinihintay ang tanong na yun? Hindi ko nga akalaing itatanong pa niya yun dahil alam kong mahal pa niya si Jade.

"Sorry..." mahina niyang sabi.

See? Ang bagal mo kasi Lara eh. Sana sinagot mo agad. Urgh! Nakakainis!

"Tubig..."

"Iinom lang ako kung sabihin mo sakin na mahal mo pa ako... kahit..."

"Mahal kita... It never changed."

Akala ko, bulong ko lang yun sa sarili ko but when I saw him smiling, Sheeze! I knew it wasn't a whisper after all.

...

...

...

I saw my reflection through the champaigne glass. Hindi ko kilala ang mga katabi ko basta ang alam ko lang, nagstart na ang Senior's Ball.

"Can I have this dance?" Tristan asked me at nilagay ang isang rose sa table.

I didn't waste a second. He held me by the hand and the music started its first beat.

Heart beats fast, colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt suddenly goes away somehow

One step closer...

I stared at his face while taking a step closer to him. I can't help but love the moment.

*bogshhhh*

"Ouch!" antok kong sigaw.

It's my first time in a long time na mahulog sa kama.

"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu! Why does dreams end on the best part!!!" halos umiyak ako sa sakit ng pagkahulog at sa disappointments. I tried sleeping again dahil buti nalang sa dreams ko, makakasayaw ko sa Ball ang taong pinakamamahal ko.

Anyway, hindi na ako nakatulog pa ulit.

Bumangon nalang ako and I embraced the reality.

Buong araw akong inspired dahil sa panaginip ko. Hindi na ako pumunta ng ospital dahil Trisha called me na nakalabas na raw sila kaninang umaga. I can't go to their house kagaya ng dati eh, hindi pa naman kami officially back again ni Tristan kaya eto ako, still hoping for things to get back in place.

Dana and I opened the window of her room at doon kaming dalawa nagbibilang ng mga bituin.

"Nakita ko na ang Orion's belt." she said.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil kinakausap ko ang mga bituin.

I wish na bumalik na ang lahat sa dati. Sana bigyan niyo naman ako ng second chance. I wish magkakatotoo ang dream ko last night. I wish happy ending still exists.

"Oyyy shooting star!" Dana exclaimed and closed her eyes.

Hindi ko nakita ang shooting star and I get a bit disappointed.

"Oh? Hindi ka magwiwish?" she asked me.

"Hindi ka naririnig ng shooting star. Scientifically speaking, shooting starts are..."

"Oo na! Oo na! Pero wala naman sigurong masama kapag nag wish eh. Malay mo magkakatotoo." sabi niya na naiinis sa pagiging bitter ko sa mga ganun.

She doesn't know that deep within; I'm hoping those wishes to come true.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

|4-24-15|

Miss PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon