Chapter 24. 2

8.2K 189 2
                                    

Blaire/Keth's POV

Niyaya ako ni Kenji mag park kaya ito kami, papunta kami sa isang park. "Ang aga naman natin." sabi ko nung makarating kami sa park.

"Para nga mas mahaba yung oras na kasama kita."

*blush*

"Tss." yan na lang ang nasabi tapos umiwas ng tingin, baka kasi makita nanaman nya yung pamumula ng mukha ko.

Hinila nya ako papasok sa park, pagkapasok namin sa loob napa-nganga nanaman ako sa ganda!

Sinakyan namin lahat ng Rides na nakikita namin ni Kenji, yung Octopus Monster nga eh. Nakakamatay!! Ang sarap putulin nung galamay nya! Ang taas kung lumipad eh.


After namin sumakay ng sumakay sa mga rides eh nakaramdam kami ng pagod kaya umupo kami sa pinakamalapit na bench. "Dito ka lang ah?" sabi ko tsaka tumayo para bumili ng Ice Cream.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Bibili lang ng makakain."

"Ako na."

"Hindi, haha. Ako na. Wait me here." sabi ko tsaka dumiretso sa isang stand ng Ice cream.

"Kuya, dalawa nga po." sabi ko sa lalakeng nasa Mid 30's o 40's ata. Ngumiti sya sakin at nagsimula ng maglagay ng Ice cream sa cone.

"Ining, boyprend mo ba yung kasama mo?" tanong nya bigla kaya napalingon naman ako sa kanya. Nakita kong nakatingin sya sa bench kung saan nakaupo ngayon si Kenji.

"H-huh? P-po? Ahm.. H-hindi po." nauutal kong sagot.

"Nako, wag ka ng magdeny diyan. Baka pag narinig nyang deniny mo sya aba, magagalit iyon."

"N-nanliligaw pa lang po sya. Hehe." nahihiyang sabi ko. Ahhh!! Pulang pula na siguro ang mukha ko!


"Ang gwapo ano. Parang kamukha ko rin nung kabataan ko." tapos tumawa sya kaya napatawa rin ako.

"Kabataan nga naman, sige. Eto na yung Ice cream nyo, salamat ining."

"Salamat po, kuya." inaabot ko na yung bayad ko, tapos eh bumalik na ako kung saan nasan si Kenji.


"Ang tagal naman ata?" nakapoker face nanaman nyang tanong.

"Eh kasi nagkwentuhan kami nung Kuya. Sabi pa nya ang panget mo raw." tapos ibinigay ko na yung Ice cream nya.

"Ako? Pangit? Sino niloloko nun?"

"Malay ko, sabi nya eh."

"Matanda na kasi kaya malabo ang mata."

"Pssh. Ang hangin talaga." bulong ko, "What?"

"Wala! Kumain ka na nga, baka matunaw pa yang Ice cream mo."


Habang kumakain kami ni Kenji eh naisipan namin na mag SM pagkatapos. Nagyaya rin syang mag Sine kaya um-oo nalang ako.

"Ano bang gusto mong panuorin?"

"Hmm, ano bang maganda ngayon?" napatingin ako sa isang board. "Ito kaya?" turo ko sa isa sa mga nakapaskil dun.

"The Conjuring? Are you sure? Horror yan."

[A/N: Conjuring times pa po nung sinusulat ko 'tong chapter na 'to. Hahaha!]

"Okay lang. Maganda naman siguro yan diba?"

"Yeah." tapos ngumiti sya ng nakakaloko, "Super." dugtong nya.

Bumili na sya ng Ticket tapos pumasok na kami sa loob.

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now