Chapter 13

12.9K 319 7
                                    

Blaire/Keth's POV

Saturday, October 26, 2013.
Isang linggo nalang at birthday ko na. Nagbibihis ako ngayon kasi papasyal ako, kahit saan hehe! Hindi sana ako papayagan ni Harold kasi nga about sa nung nangyaring pagkidnap sakin noon, kaso nagmakaawa ako at nagpacute sa kanya at alam ko din namang hindi nya ako matitiis. Haha.

"Manong. Ready na po ba ang kotse?"
"Opo!" sagot nya, "Saan po tayo?" dugtong nya nung makita nya akong pababa na ng hagdan.

Napaisip ako ng kaunti, "Sa pinakamalapit na park na lang po." sagot ko.
"Uhm.. M-Miss Blaire, ayos lang ba na hindi kayo naka disguise?" tanong nya sa akin nung nasa may harap na kami ng kotse.

Hindi nga ako nakadisguise ngayon. No heavy make-up. No brace. Parang normal lang ang itsura ko ngayon, pero syempre kelangan kong mag-tago kaya nag hoodie ako tapos eh naka-skirt at high-cut na sapatos. Diba, normal lang?

"Okay lang po yan. Di naman ako magpapakita sa maraming tao. Tsaka, naka-hoodie naman ako kung sakaling lalabas ako." nakangiting sagot ko sa kanya.

--

Pumunta kami sa pinakamalapit na park sa subdivision namin. Agad akong bumaba at medyo na amaze sa nakita ko. Maganda at malinis ang lugar, kakaunti lang ang nakikita kong tao.

Nag-iikot ikot kami ni Manong sa park, syempre! Kasama ko sya. Alangan iwan ko sya dun, kawawa naman sya. Super nag-enjoy ako kaya di ko namalayan na gumagabi na pala.

"Manong uwi na lang po muna kayo. Mag iikot ikot po muna ako sa dito, balik na lang kayo mamaya. Or tatawag ako sa inyo." nakangiting sabi ko sa kanya.

"P-Pero... Blaire! Alam mong hindi pwede yan! Baka mapahamak ka kapag iniwan kita."

"Manong," inilagay ko ang kanang kamay ko sa balikat nya, "Hindi na ako bata no, tsaka wala na namang mangyayari sakin kasi wala na si Iris. Sige na po, pleaaaase?" pagmamakaawa ko.

Hindi sya umimik ng ilang segundo pero agad naman syang napa buntong hininga at napayuko.

"Sige na nga. Babalikan ko kayo dito, o tumawag kayo sakin kapag uuwi na kayo."

"OPO!"

Pagka alis na pagka alis ni manong eh, nagsimula na akong maglakad papalayo sa park. Mag iikot na lang ako, medyo di pa kasi ako nakakalabas dito e.

Sampung minuto ata akong naglalakad nun at nakalabas na ako ng Subdivision namin, medyo malayo layo narin ang narating ko pero alam ko naman ang daan pabalik.

"Wow! Bar ba yun?" manghang tanong ko sa sarili ko, "Ang sabi ni Mom, masaya daw sya. Hehe. Pwede kaya ako dyan? Makapasok nga! Di pa naman ako nakakapasok ng ganyan e. Hehe" sabi ko sa sarili ko.

Pagkapasok ko sa Bar eh may nadatnan akong nagsasayaw sa gitna, nagpapakalasing sa may gilid. Madaming tao dito. Isinuot ko ang hoodie ko para walang makamukha sakin.

Ang shunga ko naman, bakit di ko na isip na marami nga palang tao rito. Pero, hayaan na nga. Nandito nako e.

"Maam, iinom po ba kayo? Anong drinks po?" tanong nung bartender sakin.
"Ah. Hindi ako umiinom. hehe."
"Minor po ba kayo?"

"H-Hindi po ah!"

"Ah. Okay po," tatalikod na sana sya nung tinawag ko sya, "Uhm.. may juice naman dito diba? Yun na lang."

"Right away, Maam."

Tahimik akong umiinom ng Juice habang nakayuko ng biglang may lumapit na lalaki sakin.

"Hi Miss. Alone?" tanong nya. Nilingon ko sya kunti para makita kong sino sya pero, hindi ko sya kilala.

"Uh.. Sino po kayo?"

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon