Chapter 5

15.1K 361 20
                                    

Blaire/Keth's POV

Biyernes na. Halos dalawang linggo na din ang nakalipas noong nangyari ang pag-iwas ng lalakeng iyon sa akin. At hanggang ngayon wala paring pinagbago.

Hindi ako pinapansin ni Kenji. Well, in the firat place hindi naman kami magkaibigan pero ugh! Ewan. Nakakaumay ang ganoong ugali niya.

Tama nga si Cherry, ang sama sama ng ugali niya. Tama talaga sya. Speaking of Cherry......

Bigla syang na swap sa ibang section kaya hindi na kami magkaklase, may inanounce kasi kanina tapos yung mga student pala na below 85 ang average eh sa normal section na. Tapos si Cherry 84 ang average last year so ayun nasa B na sya. Sayang, sobrang sayang, isang point na lang.

Sino ba nakapag-isip nun? Wala na tuloy akong kausap.

Sa kalagitnaan ng pag d-drama ko, "Uhm.. Excuse me?" may biglang lumapit na limang babae sa akin.

Self study lang pinagawa sa amin ngayon sa Physics dahil may gagawin daw muna yung teacher namin. Kaya eto, walang ginagawa ang ilan sa amin.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Ikaw ba si Keth Lopez?" Tanong ng maputing babae.

"Ah, oo. Ano kailangan nyo?" tanong ko.

Na-alerto ako dahil parang ganito ang scene na nangyari noon sa EK.

"May nakapagsabi kasi sa amin na nailipat sa kabila ang friend mo, so we were thinking na baka nag-iisa ka na lang."

"And we don't want that to happen."

"Kaya.... gusto sana namin isama ka sa group namin. Okay lang ba? Gusto namin makipag-friend sayo."

Uso ba sa S.A. ang may group of friends? Halos kasi lahat may grupong kasama or what.

Napangiti ako ng maliit. Hindi ba't parang ang bait naman ata nila sa akin? "Talaga? Totoo?" sabi ko.

Pero, siguro nga ay concerned lang sila sa akin. And to think sila pa ang lumapit sa akin dito.

"Oo naman, we're sure!"

"Sige, okay lang!" sagot ko.

"Ako nga pala si Kylah," sabi nung maputing babae saka nya inisa isang pinakilala sakin ang mga kasama nya, "tapos sya naman si Dianne at si Bea, si Hezell, at the last one is Rikka. And of course you.. Welcome to the group!" then hinila at niyakap nila ako.

I saw Iris smirked kaya naisip ko baka naiingit siya kasi mabilis akong nakapag form ng kaibigan dito.

Nag-usap usap lang kami at saka sila nagpaalam sakin.

"Sige, mamaya sabay tayo maglunch ah? Para nadin get to know each other kumbaga." Tumawa sila, "Bye, Keth!"

Agad silang lumabas ng classroom at pumunta sa sarili nilang room. Gaya ng class namin, self study lang daw sila ngayon.

Ang bait nila, kahit ampangit ng itsura ko (DAHIL SA DISGUISE NO! Maganda ako. Haha) ginawa parin nila akong kaibigan.

-Lunch-

Palabas na ako ng classroom papunta sa cafeteria para kumain pero bigla akong napahinto ng bigla may humawak sa braso ko.

"Hi Keth!" salubong ni Hezell sakin.

"Hi!" tanong ko.

Tama pala. Sabay kaming kakain.

"Tara sa cafeteria?" sabi ni Bea.

"Okay!"

Naglakad kami papunta doon saka nag-order at umupo sa isang table.

"So? Ano plan nyo this week? I mean this weekend?" sabi ni Kylah.

Princess In DisguiseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang