Chapter 14

12.8K 315 7
                                    

Kenji's POV

"What's the matter?"

"May lagnat ka ba?" inilagay nya ang kanang kamay nya sa noo ko at namula ako sa ginawa nya.

P*ta! Nakakabading!

"W-Wala," sabay iwas ng tingin.

"Bakit ba kasi namumula ka?" tumabi na lang sya ulit sakin at tiningnan ako.

Bakit nga ba? Tang*na.

"W-Wala akong kasama."

"Omg! Nababakla ka?" napatingin ako sa kanya at napa-poker face nalang. Buset! Panira yung joke nya.

"N-nag jo-joke lang ako!!" tapos tumawa sya.

"Ang weird mo naman ngayon." tumayo sya at naglibot lang sa Condo unit ko.

"Nag dinner ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa," nakatalikod nyang sagot sa 'kin. Busy kasi sya sa pagsuri ng mga gamit ko.

"Gusto mo bang mag-order ako?" I asked her.

"Wag na, I'll cook." nakangiting sagot nya.

"You can?"

"What d'ya think of me?" Full of Brtitish accent na sagot nya.

"Oo na." pagsuko ko, "Lahat ng kelangan mo nasa kusina na." pumasok naman sya agad doon.

Naiwan ako sa Sala na nakatunganga lang. Halos isang oras na din ako rito. Teka, Ano bang nangyayaring kabaklaan sakin? Namumula daw ako? Hah.

"Blaire!" sigaw ko.

"Ohhhh?" rinig kong sagot nya mula sa kusina, "Bakit ang lamig? Finull mo ba ang aircon?"

"Hindi naman ah? Eh patay nga yang Aircon mo! Bakit? Nilalamig ka ba?"

Nakita kong naka-off nga ito.

Lumabas sya at lumapit sakin.

"Namumula ka nanaman?" inilagay nya ulit ang palad nya sa noo ko.

Nahihilo ako. May sakit ba ako?

"KENJI! Omy. You're burning!" tarantang sabi nya, "Teka, papatayin ko muna ang stove."

"Can you walk?"

"Yeah. I can manage. Lagnat lang yan." dahandahan nya akong inilalayan sa kwarto ko at inihiga sa kama ko.

"Teka," nakita kong kinuha nya ang cellphone nya at may di-nial.

"Harold. Baka bukas pa ako makaka-uwi... Oo.. Hindi, nakay- Kenji ako.. Sige sige.. Salamat." tumayo sya at lumbas ng kwarto ko.

Ngayon pa nilagnat! Wrong timing, pucha.

Pumasok sya na may dalang basin na may tubig.

"Kukuha lang ako ng T-shirt na comportable sayo. Para makapagbihis ka."

Kinalkal nya ang closet ko at kinuha yung white V-neck na shirt.

"Upo ka muna, kaya mo naman diba? Para makapagbihis ka."

"Hindi ko kaya ang magbihis mag-isa." pagsisinunggaling ko, jino-joke ko lang naman sya.

This time, nakita kong sya nanaman ang namula.

"Huh? Nilalagnat ka lang naman e!"

"Nahihilo ako."

Napalunok sya tapos yumuko at narinig kong bumulong ng, "Aish."

Umupo sya sa harapan ko at sinimulan ng iun-button ang shirt ko.

Tae! Nagjo-joke lang ako! Hahaha.

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now