Chapter 39

11.2K 172 12
                                    

Kenji's POV

It's January. Ang bilis ng araw, di mo nalang namamalayan.

"May nakalimutan pa ba kayo?" tanong ko kay Blaire na ngayon ay karga karga si Kise.

Medyo nag-isip sya pero maya maya rin ay ngumiti, "Wala na."

Tumango ako sa kanya saka nya hinawakan ang kamay ko, "Tara?"

I nodded. Agad naming ni-lock ang bahay at pumasok sa sasakyan.

AIRPORT

"Princess Blaire, welcome to *toot* airlines." Ngumiti sa amin ang babaeng sumalubong sa amin sa airport, "Please enjoy your trip with your family." Saka sya yumuko at pinadaan kami.

Agad naman kaming umupo sa upuan namin.

"Hay," I heard Blaire sighed. Napalingon ako sa kanya, "Bakit? Pagod ka na ba?"

Lumingon sya saka ngumiti, "Hindi no! Nakakapagod lang na lagi akong na s-special treatment."

Napakunot naman ang noo ko. "Huh? Bakit mo naman nasabi 'yan? Dapat lang naman na i-special treatment ka dahil Prinsesa ka."

"'Yun na nga eh, minsan iniisip ko. Paano kung hindi ako prinsesa? Paano kung normal na tao lang ako. Gusto kong maranasan yun kahit minsan."

Hinawakan ko ang kamay nya, "Ano ka ba. Hindi ba't yun ang ginawa mo noong high school tayo? Naging normal na babae ka lang noon. Ano pa bang nirereklamo mo dyan?"

Nagpout sya saka medyo namula. "A-ano ka ba! Iba yun! Ayan nanaman yang ugali mo! Ang sakit mo parin magsalita minsan!"

Medyo natawa ako sa rekasyon nya, ang OA kasi. Parang bata lang. Ang cute.

I patted her head, "Stop thinking that way, okay? Marami nga dyan na hinihiling na sana sila nalang ikaw."

"Hmm.. okay. Napaisip lang naman ako eh."

"Saka," sumandal ako sa upuan at pumikit. "If hindi ka Prinsesa, if hindi mo naisipang pumasok sa pilipinas, if hindi mo naisipang mag disguise... I won't meet you. Hindi tayo magkakakilala."

Kahit na hindi ko sya lingonin eh alam kong napangiti sya.

"Yeah, sorry Hubby."

Blaire's POV

Nasa eroplano pa rin kami. Apat na oras na ata kaming nasa byahe eh.

Nilingon ko si Kenji at mahimbing syang natutulog gaya ni Kise na nasa dibdib kong natutulog.

Papunta kami sa London dahil doon na kami titira, for good. Hindi naman ibig sabihin nun eh iiwan na namin ang Philippines. Sabi naman ni Mom at Dad we can come back there if we want. Mas safe kasi para sa amin ang London, lalo na ngayong may anak na kami.

Iniwan muna ni Kenji ang company nya kay Kevin at Lucille. Mapapagkatiwalaan kasi yung dalawang 'yon. Babalik naman daw ng Pilipinas si Keji if may problema.

AFTER HOW MANY HOURS

"Blaire.. Blaire.." nakaramdam ako ng tapik sa braso ko kaya nagising ako.

"Hmm..."

"We're here. Hey, wake up."

"Yeah.." kinusot ko ang mata ko saka nag inat. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko, kinuha nya si Kise.

"Tara na, nag hihintay na sila Mom sa atin."

Pagkalabas namin ay ang raming camera na nakatutok sa amin. Naconscious tuloy bigla dahil kakagising ko lang, baka may muta pa ako. Parang napansin naman iyon ni Kenji kaya hinawakan nya ang kamay ko, "Don't worry. You're still beautiful."

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon