Chapter 9

14.7K 362 13
                                    

Kenji's POV

"I will." tapos niyakap ko sya. Alam kong nabigla sya sa ginawa ko.

"Tahan na." sabi ko sa kanya.

"...." di na sya umiiyak. Tumahan na siguro.

Maya-maya lang humiwalay na sya sakin at nagpunas ng luha. Inayos nya din yung palda at shirt nya.

"Sorry." Biglang sabi nya.

"No, sorry. It's mainly my fault."

Natahimik sya kaya nagsalita ako, "Let go out?"

"H-huh?" napalingon sya sakin at nagtataka sa sinabi ko.

"Ayan ka nanaman e." Sobrang slow naman nito. Pag-yaya lang lumabas e, di pa gets?!

"Hindi ko nga kasi narinig e! Kaya paki-ulit!"

"Galit ka na nyan?! Ha?"

"HINDI!"

"EH NASIGAW KA---"

Oo nga pala.. Princesa to. I should have some respect.

"I said magdate tayo!" sabi ko ulit sa kanya.

"Date? Friendly Date?" sabi nya.

"Nope." sabi ko.

"It means na--" hinila ko na lang sya palabas ng school pero bago kami umalis ibinalik ko sa kanya yung eyeglasses nya.

Mall

"San mo gusto? Mag enjoy ka na muna ngayon."

"Kahit saan nalang. In the first place, bakit mo pa ba ako niyaya. Baka may magalit nanaman nito."

"Kasi alam kong kasalanan ko lahat ng ginawa nila. Di ko naman ginusto na lahat ng babae eh ganyan ka adik sa looks ko."

"Ang hangin, pwe. Looks lang ba maipagyayabang mo?"

"Hoy mag dahan--"

"Oo na, oo na." Tumawa sya saka ngumiti, "oh eh san na tayo?"

Napabuntong hininga ako saka napaisip, "Ah, may naisip akong ibigay sayo!"

"Ano yun?"

"Hindi pa nga nabibili di ba!? Wait lang!"

"Okay."

Blaire/Keth's POV

Sa paglalakad namin pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan. Specially ng mga babae. Sa tingin pa nga lang nila eh para nilalamayan nako.

"Ang gwapo naman nung guy!"

"Oo nga! Ang chaka pa ng kasama! Girlfriend nya ba yan?"

"Parang hindi naman! Ang chaka oh! Parang P.A lang."

"Tama ka jan girl! Rgh! Dapat ako nalang yung naging P.A nya! Kesa naman sya! Nakakasira ng aura!"

Makapag salita tung mga babaeng 'to. Nako naman. Nag bulongan pa sila? Eh rinig na rinig ko sila!

"Andito na tayo."

Nahinto kami sa isang..

EH?

Jewelry Shop?

"Good day Sir, Maam. What are you looking for?" sabi nung lalaking sumalubong samin.

"Ah... A bracelet for her" sabi ni Kenji.

"Hoy! An-Anong bracelet?!"

"Don't worry. I'll pay it for you."

"Girlfriend nyo po ba sya, Sir?" usisa nung babae.

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now