Chapter 3

16.8K 405 6
                                    

Blaire/Keth's POV

Nung dumating kami sa EK medyo kaunti lang yung tao. I guess, dahil maaga pa at weekdays ngayon. Hindi din naman alam anong meron sa ugok na ito kung bakit ako ang hinila niya dito, hindi naman kami close.

Pagkapasok ko, hindi ako nag-expect na makulay at malawak pala ito. "Wow! Ang ganda naman dito! Sakay tayo dun Kenj! Dun din oh! Tsaka dun!" sabi ko sa kanya habang nagtatatalon habang hinihila ang laylayan ng polo nya.

1st time ko sa isang amusement park, dahil una, bawal akong maglakad lakad o gumala ng walang kasamang bantay sa England, pangalawa, hindi ako pinapayagan ni Daddy kaya ang OA kong makapag-react.

"1st time mo ba dito?" tanong ni Kenji.

"Ah, eehh.. Oo eh. Hindi kasi ako dito lumaki. Sa Eng-- I mean sa province kasi ako lumaki eh." Tumawang sagot ko.

"Ahh." sagot nya sabay kamot sa ulo.

Sumakay kami sa mga rides na itinuro ko kanina. Yung iba nga inulit pa namin para lang ma-satisfy kami. Nang napagod na kami umupo kami sa isang bench para makapag-pahinga. Medyo hiningal din ako sa huling sinakyan namin.

Napangiti ako, okay lang naman palang kasama itong lalakeng 'to. Mabait kapag tahimik, hindi masyadong tumatawa hindi gaya ko, pero nakikita ko namang hindi din sya bored. Bigla syang tumayo at humarap sa akin, "Bibili muna ako ng maiinom at makakain. Just wait here." sabi nya.

Saka sya naglakad paalis. Buong oras na kasama ko sya, antahimik nya tapos parang naiilang. May problema ba iyon? O sa akin? O paranoid lang talaga ako? Pero okay na din yun kasi tahimik sya, mas peaceful! And, hindi naman talaga kami close in the first place.

"Look who's here!" nabigla ako kasi may sumulpot na mga babae sa harap ko. Tatlo silang naka-cross arm na nakatayo sa harap ko. Hindi ko alam anong gagawin kaya tumayo ako.

Same kami ng uniform ibig sabihin schoolmate ko ang mga ito. Sa titig palang nila, naghahanap sila ng away.

"Uh.. Sino po kayo?" tanong ko sa mga babae. It's rude if I'll not ask, so I will.

"It's not really important so, we're not saying who we are." Sagot ng babaeng naka ponytail, itinaas nya pa ang kanyang kilay sa akin.

"So? Totoo nga ang sabi ni Iris na ka-date mo ngayon si Prince Kenji." Sabi nung babaeng nasa gitna.

Nagulat ako. Ang bilis naman ata kumalat? Atsaka, iritang irita na ako sa kanila. Unang araw ko palang, can't it end with a peace?

"Pano mo nakumbinsi si Prince Kenji ha? Paano?!" Sigaw naman nung babaeng maliit. Dahil sa pagsigaw nya, medyo lumingon na ang mga taong dumadaan. Gosh, we're attracting people! This is bad.

"Uhh. Hindi naman po ito date eh, actually it's---" I didn't finished what am I going to say kasi sumingit agad yung maliit na babae.

"YOU DON'T HAVE TO EXPLAIN! ISA LANG IBIG SABIHIN NYAN, YOU'RE A FLIRT!"

Whatthe-? Did she just call me 'Flirt'?! Wala pang nag tangkang tawagin ako non ah! Talagang naghahanap ng sakit ng katawan ang mga babaeng 'to! Sobrang pagtitimpi na ang ginagawa ko dito.

Sasagutin ko na sana sya kaso pinigilan sya nung leader ata nilang nasa gitna.

"Stop it."

Pinakalma ko ang sarili ko at hinarap sila. "Like what I've said earlier. We're not dating."

Parang nabigla naman sila sa pagsasalita ko at dun ko narealize na ginamit ko ang accent na nakasanayan ko. Bilasa ko silang tiningnan, crap!

Ah! Damn!!!

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now