Chapter 4 - The Employee

630K 10.8K 1.2K
                                    

Stuart's POV

Naisipan kong bisitahin ang pinakabagong investment ng Cordoval Corporation, ang Blue Plate – isang kilalang cake and pastries chain sa Luzon. Ang alam ko, bagong bili pa ito at hindi pa raw ito nasusuri ni daddy. Dahil malapit lang naman ang main branch nito sa office at condo ko, naisipan ko na lang na daanan ito ngayong umaga.

Gusto kong magaan ang loob sa akin ng mga empleyado kaya todo ngisi ang ginawa ko habang isa-isa silang ipinapakilala sa akin.  I was still wearing my smile when I was introduced to the bakers, but that smile faded when I saw her.  Ang babaeng ginusto ko sanang hindi makita kalianman.

"G-goodmorning po, sir," bati niya na kunwari pa ay nahihiya pero alam ko na ang laro niya. Ganitong-ganito siya noon. Wala pa rin palang kupas ang pagka-stalker niya. Alam kong mayaman sila at alam kong kayang-kaya niyang magbukas ng sariling bakeshop kaya impossibleng magtratrabaho siya dito.  Siguro nag-apply siya dito nang malaman niyang ang kumpanya namin ang nakabili.  Siguro naisipan niyang sa ganitong paraan siya makakalapit siya sa akin.  If this is one of her stalker schemes then I should do something to stop her.

"I am Stuart Cordoval, owner and CEO of Cordoval Corporation.  As the new owner of Blue Plate, I expect my employees to do their work well. I do not want my employees to slack and flirt. I want them to be professionals. Moreover, I am a very private person and I do not intend to entertain anyone in my office unless they have set an appointment or they have a matter of life-and-death news.  I hope I made myself clear with that."

Sana malinaw sa kanya na siya ang pinaringgan ko sa mga sinabi ko.  Patricia has her ways of stalking and it can really be annoying kaya dapat ngayon pa lang, dapat alam na niyang hindi siya welcome sa office ko.

"Oh Pare! Ang aga mo namang napapunta sa bar ko," si Mago.

"She found me, Mago," ako.

"What? That fast? Grabe talaga yang babaeng 'yan!" umiling-iling si Mago.

"She is one of my employees at alam kong ginagawa niya ito para mapalapit sa akin.  But I won't let her, she has stop her craziness."

"Persistent si Patricia, pare. Kung nababaliw nga ako sa kakaiwas kay Arlene na ilang buwan lang naman niya akong binu-buntot-buntot, ikaw pa kaya na umabot ng apat na taon. Lalong lalo na ngayon na naging asawa mo pa siya ng isang taon!" saad ni Mago.

"Nagsisi na nga ako, Pare. Dapat hindi ko na siya pinaasa. Kaya ngayon, gagawa ako ng paraan para makaalis siya sa kumpanya ko. Ayokong magkaroon kami ng ugnayan, kahit bilang amo at empleyado man lang," sabi ko at tinungga ang beer.

"Ano plano mo?" tanong ni Mago.

"Papahirapan ko siya sa trabaho niya para siya na ang kusang mag-resign," napangisi ako sa naisip ko.

"Don't you think that is being harsh to her? Babae pa rin siya, pare," si Mago.

"Ikaw ba kapag may stalker ka na kagaya niya, maiisipan mo pa bang babae siya?" tumingin ako sa kanya.

"Oo nga pala, nakakatakot na rin pala ang pagka-stalker niya. Pero bakit hindi mo na lang kaya siya sisisantehin agad?" suhestiyon ni Mago.

"Sa tingin mo ba titigil siya? Ang gusto ko, kusa siyang sumuko.  Mayaman sila, pare. Alam kong sanay siya sa buhay prinsesa at hindi niya kakayaning mapahirapan," nakangisi kong sagot.

"Teka, ano ba ang ipapagawa mo sa kanya?"

"Simple lang, ang papagurin siya hanggang matigil na ang kahibangan niyang maghabol sa akin."

Maganda ang mood ko nang pumasok ako sa opisina. Ngayon ko kasi isasagawa ang una kong balak. Komportable muna akong umupo sa swivel chair ko saka tinawag ang aking sekretarya.

"Sir?" narinig ko ang aking sekretarya sa intercom.

"Mrs. Ramos, I need you to call the manager of Blue Plate and tell him that I we have an order of 100 layer of Blueberry Cheesecakes and this will be picked up on Thursday morning," sabi ko.

"Okay, sir."

Ilang minuto ang lumipas ay tumawag si Mrs. Ramos, "Sir, gusto po raw kayong kausapin ni Miss Santilan, ang head ng kitchen ng Blue Plate."

"I'll take it," sabi ko saka kinuha ang receiver ng phone, "Miss Santilan?"

"U-uhm, Sir? Kasi po may konting problema po sa order niyo na Blueberry Cheesecakes," si Miss Santilan.

"Anong problema?" napangisi ako habang iniisip kong namromroblema na ngayon si Patricia.

"Eh kasi po refrigerator cake po 'yung Blueberry Cheesecakes, 30 layers lang po ang capacity ng available refrigerators natin sa main branch, sir.  Ibig sabihin, kukulangin po ng space ang refrigerator natin dito sa kitchen kaya baka po hindi aabot ng 100 layers ang magawa," pagdadahilan ni Miss Santilan.

"Di ba may in-charge tayo sa refrigerator cakes? Si – sino nga ba 'yun?" nagkunwari akong hindi ko naalala ang pangalan ni Patricia.

"Si Patricia Sandoval po."

"Yeah right, Patricia Sandoval.  Tell her it is her responsibility to produce that 100 layers of blueberry cheesecakes.  If she fails in this, it will prove her incompetence and I do not like incompetent people," mariin kong saad.

"Okay, sir.  I will tell her about it," mahina niyang sagot.

"By the way, Miss Santillan,  I perfectly understand that each baker in the kitchen has his or her own assignment so I expect that Miss Sandoval will not disturb her co-workers. If the operation of the bakery will be affected by her deeds or if she fails in this task, tell her that I will never think twice in firing her," pahabol ko.

"I understand, sir," sabi niya bago binaba ang tawag ko.

Masaya akong napasandal sa swivel chair knowing that this task will really keep her busy. I can't help but be amused by the thought na namromroplema ngayon si Patricia kaya hindi ito makakagawa ng hakbang para makalapit sa akin.  Kung sakali mang magtagumpay siya dito, isasabak ko siya sa iba nanamang challenge hanggang kusa na siyang sumuko.

 _______________________

Patricia Sandoval's photo on the side

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now