Chapter 44 - Back In the Condo

433K 7.3K 555
                                    

AN: Hala… ang daming nagalit sa last UD  TT.TT … sorry na… wala talagang kwenta tong utak ko, kung anu-ano na lang ang naiisip.  Gumawa ako kaagad ng UD para makabawi.

*Stuart’s POV*

Napansin kong mejo natagalan si Patricia sa pinto kaya tinungo ko na siya.

Love? Si–” hindi natuloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako nang makita ko kung sino ang kausap ni Patricia.

Love si Sandra at ang cute niyang anak,” masaya niyang sabi saka ibinaling ang atensyon sa batang dala ni Sandra, ”Hey baby, I am your Tita Patricia and that handsome guy out there is your tito Stuart.”

Hindi ko na narinig ang mga pinag-usapan nila dahil tinatantya ko ngayon ang nararamdaman ko.  Hinanap ko ang dati kong naramdaman kay Sandra at tama nga ako, si Patricia talaga ang mahal ko dahil kahit yung daing poot na naramdaman ko nang malaman kong nag-asawa na pala si Sandra ay hindi ko na naramdaman.

Tahimik lang akong nakaupo habang abala ang magpipinsan sa pag-uusap.  Ang totoo, lihim akong nag-imagine na anak namin ni Patricia ang batang karga-karga niya.  Bagay na bagay sa kanya ang maging mommy.  Nakakatuwa rin dahil halatang mahilig siya sa bata.  Ilang anak kaya ang gagawin namin? Sana maka-buo na agad kami. 

Ilang taon na ba ’tong anak mo?” tanong ni Patricia.

She just turned two last month,” sagot ni Sandra.

I am sure mahal na mahal ka ng asawa mo dahil kamukhang-kamukha mo ang anak mo,” magiliw na sabi ni Patricia.  Natawa ako sa sinabi niya dahil kung totoo man yun, mukhang mapupuno ang bahay ko ng mga kamukha ni Patricia.  Hindi naman sa nagrereklamo ako, wala akong paki-alam kung lahat ng anak ko ay kay Patricia magmana, ang importante, ako ang ama – hehehe.

Sandra, mukhang inaantok na si Lexy.  Dalhin na natin siya kuwarto,” si Patricia.

Naku hindi na, uuwi na kami,” paalam ni Sandra

No, I insist.  Matagal na tayong hindi nagkausap. Dito ka na lang magdinner, magluluto ako. Saka kanina pa tahimik ’tong Love ko, hindi makasingit sa sobrang daldal ko,” natatawang saad ni Patricia, ”kayo nanaman ang magkamustahan habang ipapasok ko muna si Lexy sa kwarto at pagkatapos ay maghahanda na ako ng dinner.”

Wala akong maisip pag-usapan namin ni Sandra pero dahil napansin kong nahihirapan si Patricia sa pagkarga kay Lexy, agad ko siyang inalalayan at sinamahan sa kwarto.

Love, kausapin mo muna si Sandra,” pagsumamo ni Patricia, ”nararamdaman ko kasi na may mabigat siyang problema. Magbestfriend naman kayo, di ba? Tanungin mo siya kung ano ang bumagabag sa kanya at nang matulungan naman natin.”

Hindi ako sumagot dahil ang totoo hindi ko alam kung paano kausapin si Sandra.  Hindi kasi maganda ang huling pag-uusap namin kaya mejo nailang ako.

Masyadong malihim yang pinsan ko pero alam kong kayang-kaya mong alaminin kung ano ang problema niya kaya sige na, kausapin mo na siya,” ewan ko ba kung bakit hindi ako makatanggi sa babaeng ito. Kahit sobra akong naiilang, sige, kakausapin ko na ang pinsan niya.  Kung sa bagay, iisang pamilya lang sila, and soon, magiging kapamilya ko na rin si Sandra.

Okay,” sagot ko saka hinalikan siya sa noo.  Gusto ko sanang halikan siya sa labi pero mamaya na siguro, baka kasi hindi ko mapigilan at magising pa namin si Lexy.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now