Chapter 41 - The Most Awaited Question

540K 8K 654
                                    

*Patricia’s POV*

Marami pa kaming sinakyang rides sa Enchanted Kingdom at kahit hindi ko first time, hindi ko maikakailang na-miss ko rin ang mag-enjoy ng ganito. Kasalukuyan naming binabaybay ang mga palaruan habang naka-posas pa rin ako sa kanya.  Hindi na rin ako nailang sa mga tingin at ngiti ng mga nakakasalubong namin pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinanong ni Stuart.

Laro tayo nito,” saad niya habang huminto siya sa isang pop-the-balloon booth.  Hindi na ako umimik dahil agad siyang nagbayad.  Binigyan siya ng tatlong darts at agad naman siyang pumwesto.

Naiputok niya ang isang balloon pero laking gulat ko nang tumambad sa balloon na yun ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya pero nagkibit balikat lang siya.  Narinig ko naman ang pagtili ni Vivienne sa likod ko.  Bagay talaga sila ni Kaz, pareho kasi silang positive ang pananaw sa buhay.

Watch me,” pinalingon niya ang ulo ko sa kanyasaka pumwesto para tirahin ang pangalawang balloon.  Hindi ko alam pero parang may inaasahan akong maganda sa pagputok ng pangalawang balloon. Kahit hindi ko alam na sharp shooter si Stuart, kampante pa rin ako na mapaputok pa rin niya ang pangalawang balloon.

Hindi ako nabigo dahil nang pumotok ang pangalawang balloon ay tumambad ang katagang, ”I love you.”

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin pero pilyo lang siyang ngumiti sa akin. ’Ano ba, Stuart?’ sa isip ko, ’pinapahirapan mo naman ako, eh!

Pumwesto nanaman siya para sa pangatlong balloon. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng ganang mag-expect. Kasi naman, eh! Buong araw na niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako pero hindi ko naman siya masagot dahil ayaw niyang sagutin ko siya. Ano ba ang trip niya?

Nagulat ako nang walang kahit anong makikita sa likod ng pangatlong balloon nang pumutok ito pero agad kong nakita ang attendant na lumapit kay Stuart at may ibinigay na maliit na pulang kahon.  Hindi ko mapigilan ang paghuramentado ng puso ko.  Ayoko nang patagalin pa, bumagyo man at bumaha dito, mag-yeyes na talaga ako!

Kinakabahan ako habang nakatingin sa kanya na pilyong ngumiti sa akin pero bahagya akong nadismaya nang inabot lang niya sa akin ang maliit na kahon. Ganun lang? Wala bang on-bended knees proposal? Hindi nanaman ba siya magtatanong?

Kahit dismayado, tinanggap ko ang maliit na kahon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang buksan ko ito. Ewan ko ba kung bakit ako nag-assume kaagad.

’Loka! Kayo ba? Bakit siya magpropropose sayo?’ tanong ng isipan ko.

Isa kasing kwintas ang laman ng kahon pero para hindi mahalatang dismayado ako, ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang heart shape pendant na may nakasulat na, ”Forever yours.”

Buksan mo,” malambing na utos niya.

Napatingala ako sa kanya dahil sobrang lapit na niya pero agad ko namang ibinaling sa pendant ang paningin ko.  Hindi lang pala ito basta pendant lang, isa pala itong locket. Sa loob ng locket ay nakasulat ang pangalan ni Stuart. Ibig bang sabihin nito, akin siya?

Tumingala ako sa kanya at agad niyang pinakita ang suot niyang kwintas na may parehong locket sa akin.  Yung sa kanya, pangalan ko ang nakasulat.

Patricia,” inilandas niya ang daliri niya sa pisngi ko saka itinaas ang baba ko para magkatagpo ang aming mga mata, ”I love you,” napangiti ako sa narinig ko. Akma ko na sanang sabihing ”I love you too” nang agad naman niya akong hinalikan.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon