Chapter 58 - To the Moon and Back

617K 7.8K 497
                                    

"Living and dying

 Laughing or crying

 If we have the whole world or have nothing

 I know there are long nights

 But we'll make it

 With every sunrise comes a new light

 And all of the things

 That make us feel like we have it all"

-          The Afters, "Life is Beautiful"



*Stuart's POV*


Habang tumatagal, kinakabahan ako.  Alam kong wala naman siyang kawala pero iba pa rin yung tanggapin niya ang proposal ko.  Nakaluhod ako habang nakatingala sa kanya. Nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha.


"Love, please don't cry," frustrated kong saad, "it makes me feel bad."


Umiling siya at pilit niya akong hinila patayo pero hindi ako nagpatinag.  Kailangan niya akong sagutin.  Kailangan kong malaman na maligaya siya sa piling ko, "Sagutin mo muna ang tanong ko."


"Stuart," huminga siya ng malalim habang pinunasan ang mga luha, "tumayo ka at tignan mo ang mga mata ko," kinakabahan man ako, tumayo na lang ako at nilapitan siya.


Patuloy ang pag-iyak niya kaya napagpasyahan kong yakapin siya, "You don't have to answer kung hindi mo kayang sagutin," bulong ko sa kanya.


Naramdaman ko ang pag-iling niya saka siya bahagyang lumayo upang makita niya ang mukha ko. 


"Stuart, you are the storm that broke me," parang gusto kong malagutan ng hininga sa narinig ko, "but you are the rainbow that completed me," nabunutan ako ng tinik, "pero ayokong magpakasal ulit sayo.  Ayokong palitan ang alaala ng una nating kasal.  Ayokong kalimutan ang lahat na masamang nangyari sa ating nakaraan dahil ito ang nagpapatunay ng katatagan ng ating pagmamahal.  Sa mga masamang nangyari sa atin natin nahuhubog ang relasyon natin."


"Love –" sasabat na sana ako pero pinigilan niya ako.


"Pero pwedi tayong magrenewal ng vows, Stuart," ngumiti siya sa akin, "gusto kong marinig yun ngayon, dito mismo."


"Wait, Love," bahagya akong natawa, "ang bilis naman ata.  Hindi ba natin yun ipaghahanda?"


Tumatawa siya habang umiling, "mas gusto ko ng ganito. Kompleto lahat ng mahal natin sa buhay," nilibot niya ng paningin ang kabuuan ng harden, "ngayon mo sabihin sa akin ang vows mo.  Saksi silang lahat."


Napakagat ako ng labi habang tinitigan siya.  Inabot niya ang kamay ko at hinimas niya ito na para bang pinakalma niya ako, "say your heart out," saad niya habang hindi inalis ang titig sa mga mata ko, "no script, just how you feel."


Huminga ako ng malalim at saka humakbang upang mas mapalapit sa kanya, "Lahat ng tao dito, alam nila ang kwento ng buhay natin.  Isa akong napakalaking gago dahil sa halip na hawakan ka, tinataboy kita.  I should have let you in but I let you down.  I think I always knew that I have you pero gusto kong paghirapan ang makuha ka because you are one hell of a gem.  Isang napakahalagang bagay na hindi basta basta lang pinulot kundi dapat pinaghirapan, dapat ipinaglaban."

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now