Chapter 36 - Name Your Price

516K 8.1K 241
                                    

AN: Pasensya na po sa kadramahan ko sa last UD. Nainis lang talaga ako kasi sinigurado kong makapag-UD bago ako umalis.  Nagloloko pa rin si Watty at marami pa rin ang nag-memessage sa akin na hindi daw nila makita ang UD ko. Sana itong UD na ’to ay magiging okay na.

Babala: Mejo SPG po ito. Just let me know kung dapat ko ba siyang i-private. Sinikap ko naman pong hindi masyadong explicit ang pagkasulat pero kung tingin niyo na dapat ko itong i-private, please let me know.

*Stuart’s POV*

Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang saying naramdaman ko nang makita ko siyang pumasok sa kwarto.  She is so d@mn hot in her white tube dress; simple pero napakaganda niya. Halatang hindi niya inaasahang magdedemand ako ng private show ngayon dahil hindi makapal ang suot niyang make-up. Apat na araw na kasi mula noong una kong naranasan ang private show na ‘to at ni minsan ay hindi namin iyon napag-usapan.

Napakuyom ako nang maalala ko ang nangyari noong gabing yun. Hinayaan niya akong magtiis habang alalang-alala ko pa ang naririnig kong ginagawa nila ni Kaz noong si Kaz pa ang customer niya. Nanaig muli ang galit na naramdaman ko kanina.  Hindi ko mapigilang maikumpara kung paano niya tinatrato si Kaz sa ginawa niyang pagtrato sa akin.  Hindi ko mapigilan ang kagustuhan kong angkinin siya ngayon, gustohin man niya o hindi.

Bakit ang layo mo? Hindi ka ba pwedeng lumapit kaunti?” saad ko nang magsimula siyang sumayaw.

Tahimik siyang lumapit sa aking habang patuloy sa paggiling ang kanayang baywang.  Hindi ko alam kung dahil ba sa alak na nainum ko o sadyang mapang-akit lang talaga ang ginagawa ni Patricia kaya parang umiinit ang katawan ko.  Mas lumapit siya sa akin at naaamoy ko siya kaya mas lalo akong nagnanasang mahawakan siya. Nakatalikod siya sa akin kaya sinamantala ko ang pagkakataong tumayo at hawakan ang baywang niya.

B-bakit wala kang tali?” gulat na tanong niya.

Nainis ako sa tanong niya.  Bakit? Talaga bang gusto niyang nakatali lang ako? Bakit si Kaz hindi nakatali noong siya ang customer nito? Bakit malaya si Kaz na nakahawak sa kanya?

Did you forget about what my money can do?” itinago ko sa ngiti ang inis na nararamdaman ko.

Mas lalo akong nainis nang nataranta siyang naglakad patungong pinto.  Ang sakit sa pakiramdam na ang taong mahal mo ay pilit kang tinatakasan.  Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata, na para bang isa akong halimaw na lumapit sa kanya.

That door is lock from the outside,” bakas sa boses ko ang aking pagka-irita. 

Bakit, Patricia’ bulong ko sa sarili, ‘bakit ka lumalayo sa akin?

Sabi ko sa’yo di ba? Bibilihin ko ang lahat ng serbisyo mo para akin lang lahat ang oras mo,” hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang sakit ng ipinapakita niya sa akin.  Ano ba ang meron kay Kaz na wala sa akin? Nagpaka-sweet naman ako ah. Nagpaka-corny.  I went out of my own element para iparamdam sa kanya na mahal ko siya.

Ano ba ang problema mo? Akala ko ba gusto mong lumayo ako sa’yo, bakit mo ngayon ‘to ginagawa?” mas lalo akong nagalit sa narinig ko.  Ganun na ba siya kamanhid para hindi man lang maramdaman ang ginagawa ko? Para rin akong napahiya sa mga kabaliwang ginagawa ko dahil ni minsan hindi man lang niya naisip na mahal ko siya kaya ko lahat yun ginagawa.

I sing, I dance, I cry for her, for pete’s sake! Dahil sa sobrang sakit ay ninais ko ngayong isalba ang kaunting pride na meron ako, “Because I am still physically attracted to you so you are going to pay me your debts by satisfying this attraction until I can get over you!

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now