Chapter 19 - The Chase Begins

621K 9.9K 1.1K
                                    


*Patricia's POV*

Nagmadali akong pumasok sa trabaho ngayon. Naabsent kasi ako kahapon dahil naiwan kami ni Stuart sa isla noong pauwi na ang lahat. Nakakainis naman kasi itong si Stuart, hindi niya sinabing nag-island hopping pala ang mga kasamahan ko at pagkatapos nun ay dumiretso na sa pag-uwi. Problema ko rin kung paano ako magpapaliwanag kay Delailah. Binaha kasi ang cellphone ko ng text niya pagdating ko kagabi. Galit na galit siya dahil ilang beses ko na raw'ng hindi sinipot si Kaz. Paano naman kasi, na-lowbat ang cellphone ko at itong gagang si Rea, dinala ba naman ang charger ng cellphone ko. Kaya ang nangyari, hindi ako nakapagpaalam sa kanila na hindi ako makarating sa supposedly scheduled private show ko kay Kaz.

"Mabuti naman at dumating ka na, Pat," salubong ni Miss Melba sa akin.

"Pasensiya na -" magdadahilan sana ako nang may sumingit.

"Miss Melba, marami pa bang stocks ng refrigerator cakes?" si Stuart.

"Hindi naman po, Sir, pero kasya pa ang stocks para ngayong araw," sagot ni Miss Melba.

"Good," malimit niyang sagot, "May importante kasi akong ka-meeting ngayong lunch. Gusto ko sanang i-assign si Patricia sa pagpapamahala sa preparasyon nito."

"Wala pong problema, Sir / Hindi po ako pwede, Sir," magkasabay kaming sumagot ni Miss Melba.

"Ano ka ba?" tinapik ako ni Miss Melba, "Pwedeng pwede po siya, Sir" ultimo niyang pagkasabi.

Nilakihan ko siya ng mata pero ngumiti lang ng matamis si Miss Melba. May alam kaya siya tungkol sa amin ni Stuart?

"That's great! I would expect her to do her best during the preparation," sagot ni Stuart, "and by the way, Miss Sandoval,"tumingin siya sa akin.

"Please wear something formal, I want you to oversee things during the lunch," tumalikod siya sa akin saka sinabing, "I'll have my secretary send you something to wear. Alam kong wala kang masusuot."

Ano yun? Nang-aasar lang? Kung may kailangan siyang maka-date ngayong lunch, bakit pa kailangan andun ako? Teka - sinabi ba niyang may date siya? Hindi naman di ba? Eh bakit ako nagseselos? Aist! Pa-fall kasi siya. Mabuti na lang na hindi ako agad bumigay. Ni hindi nga umabot ng isang linggo, natapos na kaagad ang panunuyo niya. Hmpf! Feel na feel pa niya ang pagka-amo niya.

Dumiretso ako sa locker para ilagay ang mga gamit ko nang mapansin ko ang isang note na nakapikit doon. Pareho ito sa notes na natanggap ko sa eroplano at sa resort. May watermark siya na letter "I" tapos ang numero sa taas ay 1. Ang message naman ay, "Sana araw-araw kitang kasama."

Naging abala ako sa paghahanda ng lunch meeting ni SIR STUART. Iisang tao lang pala ang ka-meeting niya pero ang nakakainis, mukhang hindi meeting ang pinapahanda niya kundi isang romantic date. Ang kapal talaga ng apog niya sa mukha dahil ako pa talaga ang pinapahanda niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan 'tong trabaho ko, sana noon pa nagresign na ako.

"Ma'am, saan po sila pupuwesto?" tanong nung isang waiter sa akin.

Nakita ko ang tatlong taong may mga dalang instrumento - violins at guitar. Kailangan bang may magtugtog ng mga ganito habang may lunch meeting? Itinuro ko kung saan sila maghihintay habang sinuri ko naman ang set-up ng table.

"Hi Pat," tawag sa akin ng sekretarya ni Stuart, "Ito raw ang susuotin mo ngayon."

Nagpasalamat ako sa kanya saka tinignan kung ano ang nasa paper bag. Namangha ako sa nakita kong one-shoulder pink dress kasama ang isang silver stilletos. Kung ito ang susuotin ko, ang ganda ko namang maninilbihan nito. Hindi kaya para sa akin ang handang ito? Kahit ayokong mag-assume, hindi ko pa rin mapigilang kiligin.

*Stuart's POV*

Disidido akong simulan na ngayon ang panliligaw sa kanya. Kanina pa nga ako hindi mapakali dahil alam kong ilang oras na lang at makakasama ko siyang muli. Ayokong magpabili ng bulaklak dahil gusto kong ako mismo ang pumili nun pero bago ako pumunta sa flowershop, dumaan muna ako sa jewelry shop. Kung pwedi lang sanang bumili ng engagement ring, gagawin ko na talaga. Kaso ayoko siyang madaliin. Gusto ko siyang ligawan, ipadama sa kanya kung gaano siya ka-importante sa akin, at pasayahin. Gusto kong gumawa ng maraming masasayang ala-ala kasama siya. Gusto kong tabunan ng mga masasayang ala-alang ito ang lahat na masakit na nagawa ko sa kanya.

Napangisi ako nang makita ko ang isang gold necklace. Simple ito pero nakakamangha talaga ang maliit na diamante na nakalagay sa pendant. Agad ko itong binili at pinalagay sa box. Patricia deserves the best at hindi ako magtitipid basta't para sa kanya.

"Hello?" sagot ko ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello Sir? Naihanda na po ni Patricia ang lunch date niyo. Andun na rin yung tutugtog ng mga instrumental love songs at saka naibigay ko na rin kay Patricia ang susuotin niya," narinig ko ang sekretarya ko.

"Thank you. Sa tingin mo, nahalata kaya niya?" tanong ko.

"Hahaha! Malamang. Mukha ngang kinilig ito nang makita ang damit na binili mo sa kanya, " natatawang sabi niya na nagpangiti naman sa akin.

"Sa tingin mo, magugustohan kaya niya ang pinahanda ko?"

"Siyempre naman, Sir. Siya kaya ang naghanda nun. Grabe ka pala kapag na-inlove, Sir," ang sekretarya ko, "sinasagad mo talaga."

Hindi nagtagal ang pag-uusap namin dahil kailangan ko pang daanan ang flower shop. Isang bouquet ng white roses ang binili ko. Bakit puting rosas? Dahil nabasa ko na kapag binigay mo ito sa isang babae, ibig sabihin malinis ang intensiyon mo. Ibig sabihin din nito ay nakita mo na ang taong makakasama mo habambuhay, ang taong pakakasalan mo.

Alam kong naging gago ako pero sana naman mabigyan niya ako ng isa pang pagkakataon. Simula nung aminin ko sa sarili na mahal ko siya ay lagi na lang akong napangiti habang naiisip ko kung paano mamuhay na kasama siya at ang mga anak namin. Oo, nangangarap na akong magka-anak kami. Sana tatlo, dalawang lalaki at isang babae. Pero kahit hindi insaktong ganun ang kalabasan, okay pa rin basta't siya ang ina ng mga anak ko.

Agad kong narating ang lugar kung saan ko plinanong magtapat ng pag-ibig sa kanya. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil mukhang sobrang OA naman ata ang pinaggagawa ko - pero intindihin niyo na lang ako, wala talaga kasing OA sa taong nagmamahal. Naks! Nakakabakla pero ang totoo, kinilig ako.

Nakangisi akong tinungo ang lugar kung saan naghihintay ang reyna ng buhay ko pero nabato ako sa nakita ko - nakatalikod si Patricia sa akin at sa harap niya ay si Kaz. Alam kong nakita ako ni Kaz dahil napa-smirk siya sa gawi ko bago siya lumapit kay Patricia at NAGHALIKAN SILA.

Sa sobrang sakit ay hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang bulaklak na dala ko. Kasabay nun ang pagtulo ng aking luha.

'Patricia,' bulong ko sa sarili ko, 'ipinagpalit mo na ba ako?'

____________

AN: Pasensiya po kung mejo lame ito. Babawi na lang po ako bukas... Ang hirap kasing magtype sa tablet lang, hindi ako sanay... Bukas, makikigamit ako kay ItsmeLexie, bago kasi ang laptop niya. Hehehe.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now