Chapter 33 -The Surrender

529K 7.8K 587
                                    

*Stuart’s POV*

Hinayaan kong sumamang mag-isa si Patricia sa tour para makapaghanda ako ng mabuti.  Napagdesisyonan ko na na ngayon ko gagawin ang aking pagtatapat kay Patricia.  Sapat na siguro ang mga nagawa ko para hindi niya pagduduhan ang senseridad ko kapag sasabihin ko na sa kanya na mahal ko siya.

Handa na po ang mga cupcakes, Sir,” masayang sambit ni Rea. Siya nga pala ang tumutulong sa akin para ihanda ang plano kong surpresa para kay Patricia.

Kompleto na ba ang pagkain sa basket?” tanong ko. Ang hirap palang mag-effort para sa taong mahal mo. Nakakatakot na baka hindi niya ito magustohan.

Okay na ang mga pagkain, Sir,” sabi niya habang inaayos ang pagkalagay ng cupcakes sa box, ”nahanda ko na rin ang picnic blanket.

Eh yung mga pinggan, wine glass, cork screw, kutsara’t tinidor?” tanong ko uli kasi hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

Huwag ka nang mag-aalala,” natatawang sabi niya, ”handa na yun lahat pati yung cooler na may ice at maiinum niyo.

Yung bulaklak? Nabili na ba?” Tanong ko ulit.

Oo, pero may tanong lang po ako,” saad ni Rea, ”bakit po puti at pulang rosas ang pinapabili niyo?

Puti, simbolo na panibagong panimula tulad ng pagpapakasal,” walang alintana kong sagot.

Ibig niyo pong sabihin–” gulat siyang nagtanong pero hindi ko siya pinatapos.

Oo, pakakasalan ko siya,” napangisi ako, ”papakasalan ko siyang muli.”

Eh bakit may halong pula?

Ang pulang rosas ay nagpapahiwatig ng pag-ibig,” sabi ko.

Bakit hindi mo na lang siya diretsohin, malay mo, yang mga katagang yan lang pala ang hinihintay niya?” si Rea.

Gusto kong maging espesyal ang pagkakasabi ko sa kanya.  Marami siyang napagdaanang paghihirap kaya ayokong basta sabihin lang yun.  Gusto kong ipadama sa kanya na espesyal siya,” paliwanag ko.

Handa na po ang lahat. Puntahan na natin ang venue?” suhestiyon ni Rea.

Pinuntahan na namin ang lugar na napili ko para gawin ang proposal ko.  Nilatag namin ang pinnic blanket at pinuwesto ang mga dalang gamit namin. Nilabas ko rin ang cupcakes na may katagang, ”I love you, please give me a chance.”

Nagsama rin ako ng mga tauhan para tumulong sa paghahanda.  Pinalibutan ko ng putting rosas ang picnic blanket habang pinalagay ko naman ang nagkumpolang pulang rosas sa gitna ng blanket. Inihanda ko na rin ang gitara para kantahan siya.

Bakit po ganito ang naisipan mong plano? Bakit hindi po dinner date?” biglang tanong ni Rea.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon