Chapter 41

2.5K 84 3
                                    

Chapter 41:LQ?

Devika's POV:

"Devika! Bilisan mo naman andiyan na sila Ceridwen sa baba!" Ang aga aga at bunganga nanaman ni Tina ang naririnig ko.

As usual late nanaman ako nagising. Kagabi kase ay marami kaming pinag-usapan ni Theron sa Garden. My boyfriend. It's been what? It's been 2 months since naging kami at sa mga lumipas na araw ay nawala na ang cold hearted na Theron. Naging sobrang clingy, palatawa at lagi ng nakangiti ang Theron ngayon.

"Oo na! Wait lang!" Binilisan ko na ang pagsuklay at hinati ang buhok ko sa dalawa. Naglagay ako ng Diamond hairpin na bigay sa akin nila Kuya. Naglagay ako ng kaunting powder at Liptint.

Ngumiti ako sa salamin at nagmadaling lumabas. Paglabas ko ay sumalubong sa akin ang inip na mukha ng mga bestfriend ko.

"Morning! love you, babes!" I said.

Kumapit ako sa braso nilang dalawa at masayang naglakad palabas sa Dorm.

"Grabi! Kakaiba na ang saya mo ngayon!" Lily said.

"Huh? Dati pa naman ako madaldal tska masayahin tapos energectic!" Malakas na sabi ko.

"Oo nga pero iba kase yung energy mo ngayon eh parang ang saya saya mo." Lily pointed out.

"Well, sino ba naman ang hindi sasaya kung may mga supportive akong bestfriend, boy best friend na over protective, mga kapatid na malambing, magulang na maalaga at Boyfriend na gwapo na nga sweet at loyal pa." Naka ngiting sabi ko.

Naging mas close kami ni William ngayon. Lagi niya akong pinapasaya at pagmay problema ako kay William ko unang sinasabi. So, as of now si William ang nakakaalam ng mga nararamdaman ko.

May mga bagay kase na hindi ko masabi kay Theron at sa mga kaibigan kong babae. Iba paden pag may boy best ka dahil nakikinig siya ng walang panghuhusga.

Tumigil si Lily at Tina sa paglalakad kaya napatigil din ako. Kunot noo akong tumingin sa kanila dalawa. Imbis na sagutin ay ngumiti sila sa akin ng matamis. Niyakap nila akong dalawa kahit nagtataka ay niyakap ko din sila.

"Masaya ako na masaya kana."

"I am so happy dahil nakikita ko na kumpleto kana."

Naluha naman ako sa sinabi nila pero dahil ayoko ng drama ay ginulo ko ang sinabi nila.

"Late na tayo! Bawal drama!"

Sinamaan nila ako ng tingin kaya natawa ako. Pagdating namin sa labas ay mga nakasimangot na sila. Sabay akong tinuro ng dalawa kaya nag peace sign ako sa kanila.

"Late." They all said.

"Sorry na." I pouted.

"Good morning sa inyong lahat!" Nakasmile at energetic na sabi ko.

Nagtawanan naman sila dahil daw sa taas ng energy ko. Masaya lang sabi ko. Pagdating namin sa tapat ng Building namin ay natahimik ang lahat. Nagtuloy lang kami sa paglalakad. Nasa pinaka una kami ni Theron at magkahawak kamay. Si William at Tina na naglalandian. Sina Kuya na inaasar si Ceridwen at sina Leo, Lily at Allyson na tahimik na naglalakad.

"Love." I called.

Nagbaba ng tingin sa akin si Theron and he gently smile at me. Nanliit naman ako sa sarili ko bigla. Hindi naman ako pandak sadyang matangkad lang si Theron. Siya ang pinaka matangkad sa kanilang lima.

"Alam mo ba kung naasan si Jacob? Ang tagal na kase nung huli ko siyang nakita."

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko. Padabog siyang nauna sa amin at iniwan akong tulala. Napatingin ako kay William ng akbayan niya ako.

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon