Chapter 10

4.3K 166 13
                                    

Chapter 10:Battle

Diana's POV:

"Diana, Come on late na tayo!"

Napanguso naman ako dahil sa sigaw ni Tina. Buti nalang nga at 8 AM ang pasok namin ngayon. P.E class daw kase ganon talaga.
Nagsuot ako ng leggins na black then sports bra na black na pinatungan ko ng white T-shirt.

"Magdadala paba ng bag?" Tanong ko sa kanila pagkalabas ko. Umiling naman sila kaya iniwan ko nalang ang bag ko sa loob.

Parehas kaming tatlo na naka leggings at black rubber shoes.

"Bakit ganito ang pinasuot sa atin?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami papunta sa field. Hindi sa field na gitna sa battle field.

"Ganito talaga pag P.E. Ituturo kung paano lumaban diba nga baka biglang sumugod yung last kingdom"

"Pano 'yan? Hindi ko paden alam ang magic ko?"

Tumingin silang dalawa sa akin bago ngumiti.

"Hindi kailangan ng magic dito. Kailangan ng lakas ng katawan" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Tina. Wala akong problema sa pakikipag laban dahil tinuturuan ako ni Mamita. Dati ay nagtataka pa ako pero ngayon ay naiintindihan ko na. Marahil ay ito ang nakatadhana sa akin.

Napahawak ako sa kwintas ko ng maalala ko si Mamita. Wala pang nakakakita nito kahit si Lily at Tina. Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na kailangan ko itong itago.

Pagdating namin sa Battle Field ay halos kumpleto na ang lahat ang Prof nalang namin ang wala.

"HEY GIRLS! HERE!" Napatingin naman kami sa side nila Allyson ng tawagin nila kami. Naglakad kami papunta sa side nila. Hindi gaya namin na nakaleggings silang dalawa ay naka black na shorts. Ang puti ng legs nila samantalang yung akin ang itim pero kung pakinisan ang labanan mas makinis ang legs ko sa kanila.

"Why so tagal the both of you?" Natawa nalang ako sa pagiging conyo ni Ceridwen. Minsan talaga ay ganiyang siya.

"Eto kase ang tagal magbihis"

"Nalate ako ng gising, okey?"

Pagtatanggol ko sa sarili ko dahil parang ako yung may kasalanan.

"Bakit ka naman late?" Taas kilay na tanong ni Allyson kaya natigilan ako.

"Siguro may iniinisip ka?" Sabi ni Lily na may kasamang asar kaya namula ako.

Palihim ko siyang ko siyang kinurot dahil baka mahalata nila ako.

"Ano ba kase iniisip mo?" Sabat ni William. Sasagot pa sana ako kaso sumabat si Lily.

"Anong ano? Baka SINO?" Diniinan niya pa yung word na sino kaya tumingin silang lahat sa akin, Nang-aasar.

"S-si Mamita!" Palusot ko sabay kurot sa dalawa dahil sasagot pa sila. Palihim akong tumingin sa gawi ng taong dahilan kung bakit ako na-late. Namula naman ako ng mahuli niya akong tumingin sa kaniya. He smirked kaya lalo akong namula.

"Ready naba ang lahat?" Napa tingin kami sa gitna dahil biglang lumitaw doon ang isang babae at lalaki. Gwapo at Maganda din.

Devika Where stories live. Discover now