Chapter 38

3.5K 103 2
                                    

Chapter 38:Mission

Diana's POV:

"Honestly, hindi ko alam kung paano ito sisimulan pero ikaw si Devika. Ang aming prinsesa." Malungkot na sabi ng Reyna. Tahimik lang ang mga lalaki at nakikinig sa amin.

"Paano?"

"Ang alam ng lahat ay mawala ka. Tama naman nawala ka naman talaga pero agad din naming nahanap. Nilayo ka namin dahil ikaw ang gustong kunin ng Last Kingdom. Hindi lang dahil anak kita kundi dahil ikaw ang nakatakda. Ikaw ang Element Holder. Ikaw din ang pinaka malakas na nilalang sa mundo natin." She said tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi niya.

"Pinakamalakas dahil anak ka namin. Bunso at nagiisang babae ka na anak namin. Sayo napunta ang lahat ng kapangyarihan namin at Apo ka ng Diyosa kayo ng kambal."

Goddess? Ako Goddess? Alam ko namang maganda ako pero hindi ko inexpect na godess ako?

"Kilala mo si Mama?" The Queen asked. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman kilala ang tinutukoy niya. Elegante siyang ngumiti at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Si Maria Appolina, Ang iyon Lola o Mamita." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng Reyna or Mama? Hindi ko alam pero nagulat ako ng malaman na nanay siya ni Queen it means Reyna rin siya dati?

"Uhm, Reyna din po ba si Mamita dati?" Umiling ang reyna sa akin kaya nagtaka ako.

"Ang iyon ama o sabihin nalang natin na sa pamilya ng iyong ama ang Royalties." Paliwanag ng Reyna kaya tumingin ako sa Hari na ngayon ay parang maiiyak na din. "Si Mama ay isang Diyosa ngunit ako ay hindi diyosa dahil hindi ko nakuha ang dugo niya pero ikaw nakuha mo ang dugo ng aking Ina"

Natulala ako dahil sa sinabi ng Reyna. Isa akong Diyosa may lahi akong Bampira at Lobo. Nasabi din sa akin ng Reyna na may lahi din kaming Witch at Fairy.

Teka, Ibig sabihin...Ibig sabihin?

"Ako ang nakatakda? Ako ang nasa propesiya?" Tuloy tuloy na tanong ko sa sandaling maalala ko ang propesiya na sinabi ni Vanader.

Ngumiti ang Reyna at Hinamplos ang mukha ko dahilan para mapapikit ako at damhin ang kaniyang hamplos. Parang dati lang ay pinapangarap ko lang ito ngayon ay nagkatotoo na. Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako. Naramdaman ko nalang ang daliring pumupunas sa mata ko kaya nagmulat ako at sumalubong sa akin ang seryoso na mata ng Hari. Ngunit ngayon ay puno ito ng pangungulila at saya. Hindi ko napigilan at niyakap ang Hari ng mahigpit.

Lumakas ang iyak ko at mas hinigpitan ko ang yakap sa hari. Ramdam ko ang haplos niya sa likod ko kaya mas lalo akong naiyak dahil sa naramdaman ko.

Ang haplos ng Isang Ama.

"Hush, my baby Princess." He whispered. Bumitaw ako at kahit puno ng luha ang aking mga mata ay humarap ako sa kaniya at lumabas ang kanina ko pa gustong sabihin. "Papa" Pakiramdam ko ay puso ko ang nagsasalita.

Kita ko naman ang luhang nahulog mula sa kaniya mata.  "Anak ko" Lumingon ako sa Reyna na ngayon ay umiiyak na din. "Mama!" Humagulgol siya at yumakap sa akin.

"Ang tagal ko pong hinintay na magkaroon ng magulang." Sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko. Nang kumalma si Mama ay lumingon ako sa kambal na bagaman seryoso ay kita ang saya sa mukha. Binuka ko ang braso ko kaya nagunahan silang yumakap sa akin.

"Our baby Princess"

Umiyak ako mas yumakap sa kanila dalawa. All this time kasama ko lang pala ang mga kapatid ko. Kaya pala unang kita ko palang sa kanila ay may naramdaman na akong kakaiba.

Nakisali na rin ang mga magulang namin and suddenly naramdaman ko na tuluyan ng nabuo ang aking puso.

Nakaupo ako ngayon at kumakain habang pinagbabalat ako ni Mama ng mansanas. Ang aking Papa naman ay lumabas saglit dahil may kukunin siya at yung dalawa naman ay nakaupo sa sofa.

Devika Where stories live. Discover now