Chapter 23

3.5K 132 9
                                    

Chapter 23:Someone's Jealous

Diana's POV:

"Hey, Diana" Tumingin ako sa lalaking umakbay sa akin bigla.

"Hey, Jacob? Wala ka pang class?" Tanong ko dahil wala na masyadong tao sa Hallway.

Yes, late ako kaya pinauna ko na sila Tina at Lily. Paano ba naman hanggang ngayon iniisip ko padin kung ano yung ibig sabihin nila Lily at about sa elemental holder kaya ang ending late ako nakatulog.

"Meron naman pero hatid muna kita sa room niyo" Alok niya.

Tatanggi pa sana ako kaso nag pupumilit, eh. Kinuha niya ang bag ko kaya hinayaan ko nalang. Kaya daw siya na late dahil may sinusuyo daw siya. Hmm, sana all.

Tumigil kami sa tapat ng room. Sumilip ako at good thing wala pa si ang Profesor namin. Lahat halos ay tahimik na nakatingin sa amin kaya awkward akong ngumiti kay Jacob.

Magsasalita na sana ako ng may dumaan sa gitna namin. Sa mismong gitna! Bastos! Masama akong tumingin doon at hari pala iyon ng yelo.

Apoy ang kapangyarihan pero ang lamig? Wow.

"Sige una nako. Byee" Inabot niya muna sa akin ang bag ko bago siga umalis.

"Bye, Ingat"

Pagpasok ko sa loob ay halos lahat ng mga mata nila ay sa akin nakatingin. Nakayuko akong naglakad papunta sa upuan namin.

May naririnig pa akong bulong ni Theron pero hindi ko nalang pinansin. Pumasok na rin ang prof namin kasundo ko. Wala naman kaming ibang gagawin. Mga keme lang about halaman.

Bumuntong hininga ako ng may ibigay pa siyang prodject.

"Hanapin niyo ang mga halaman na naka asign sa inyo bukas. Wala na kayo pasok buong araw. By group naman ito kaya don't worry and here's the groups."

Marami pang tinawag si Sir pero hindi na ako nakinig. Hinintay ko nalang ang pangalan ko.

"Hawk, Lopez, Green, Gerero, Smith and Last Group Blood, Empress, Empress, Stone, Blood"

Yung isang Blood ay si Leo.

Pagkatapos sabihin ni Sir ang groups ay binigay niya naman ang mga naka asign na plants sa each groups. Nagpaalam din naman siya agad pagkatapos.

"Tara sa cafeteria tayo magplano"

Habang naglalakad kami sa hallway ay as usual marami nanamang nakatingin sa amin. Lalo na sa boys. Nasapo ko nalang ang noo ko ng makita din ang masamang tingin ni Lily, Tina at Ceridwen sa mga babae.

Halata masyado.

Biglang may umakbay sa akin. Hindi na ako nagtaka kung sino ito.

"Kain na kayo?" Jacob asked.

"Oo, ikaw?"

"Hindi pa nga eh"

"Luh! Dapat kumain kana alam mo namang ayaw kitang nagugutom"

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso dahil sa ka cronyhan niya. Biglang natanggal ang akbay sa akin ni Jacob. Nang may bastos na dumaan sa gitna namin.

"What the" Asik ko.

Tumingin ako kay Theron ng matalim dahil lumingon siya sa akin. Sisigawan ko pa sana siya kaso naglakad na ulit siya.

Lumingon ako kay Jacob. Nag kibit balikat nalang siya sabay smirk. May something talaga sa pag smirk niya eh.

Lumingon naman ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay tumatawa na rin. Nalilito akong napakamot ng ulo at nanguna na din sa kanila.

Mygosh!

Devika Where stories live. Discover now