P R O L O G U E

22.6K 395 18
                                    

Author's Note: Unedited

Greetings, everyone! This is my first ever story. Please don't expect to much.This story content typos and gramtical errors. Expect cringe moments since hindi pa po edited lahat ng part. Also, The cover photo of my story is from pinterest. Nag-aaral pa ako kung pa'no mag edit. Thank you and Enjoy Reading!

Also, credits to the owner of the book cover. I can't find them na po, sorry.

For more updates and chikahan, follow me on Twitter: @Beauante.

Diana's POV:

"Diana! Bumaba ka nga d'yan!"

Napanguso naman ako dahil sa lakas ng sigaw ni Mamita. My pretty, loving lola at nag-iisa kong pamilya. Kasalukuyan akong nasa taas ng puno para magpahangin, I had a bad dream, again.

"Opo, pababa na!" sigaw ko din sabay talon pababa. Mamita's glaring eyes welcomed me. Malambing akong yumakap sa braso niya.

"Love you, Mamita." I said, hugging her tight.

Her glaring eyes, immediately turned into soft one, "Heh! ikaw talaga na bata ka!" She hissed before hugging me back.

Niyaya niya ako na pumasok, luto na raw ang tanghalian namin. Magkayakap kaming pumunta sa loob. Hindi man malaki ang bahay namin, sapat na ito para sa aming dalawa. Our house are made of bricks. May maliit na sala, dalawang kwarto. Kulay pula rin ang pintura sa aming pader.

"Maupo ka muna, ako na ang maghahain," Mamita kissed my hair before gesturing me to sit. Pinanood ko siya na magsandok ng tanghalian namin.

"Wow!" I immediately gasped when I smell adobo, my favorite ulam lalo na pag luto ni Mamita, the best !!

"Niluto ko talaga iyan para sa iyo," nakangiting sabi ni Mamita. My forehead creased when I saw the mixture of sadness and fear on her eyes.

"Mamita, okey lang po ba kayo?" Nag-aalala kong sabi dahil minsan lang siya maging emosyonal, kilala si Mamita bilang taong hindi nawawalan ng ngiti sa labi.

Umiling naman agad si Mamita "Wala apo, Gusto ko lang dahil ilang araw nalang ay 18th Birthday mo na," sabi niya habang nakatitig padin sa akin.

Kung dahil sa wala akong handa kaya siya naging emosyonal ay wala naman iyon sa akin  Lumapit ako sa kaniya at marahan siya niyakap.

"Mamita kung dahil sa wala akong handa kaya kayo malungkot, ayos lang naman sa akin na 'yon!" Masigla ko na sabi.

"Sana nga dahil lang doon," She meaningfullt said, nalilito lang akong tumingin sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko, "Sana ay mapatawad mo ako, Apo. Para lamang sa iyon kaya namin ginawa ito," She forced her smile.

Namin? Kahit gusto ko pang magtanong ay hindi ko na tinuloy dahil mukhang wala siyang balak na sagutin ang mga tanong ko.

"Kumain na tayo, siguro dala lamang ito ng katandaan ko," I stared at her for a moment, tumango ako binalin ang atensyon ko sa adobo.

Habang kumakain ay hindi nawala ang paningin ni Mamita sa akin, hindi ko tuloy maiwasang mailang lalo na sa paraan nang pagtingin niya. Oo nga pala, 3 araw nalang at 18th Birthday ko na.

Nasa taas ako ng puno sa aming likod bahay. Nakahiga ako habang nakaunan sa aking  mga braso. Nakatitig sa langit, feeling the silence, a comfortable one.

"Mama, Papa, nandiyan po ba kayo?" I asked. "Sana man lang po ay nakita ko kayo," I added.

"Mama at Papa. Alam niyo po, si Lola po. Naninibago po ako sa kaniya, parang may mali." Kwento ko na para bang nasa tabi ko sila, nakikinig. Napangiti naman ako ng may kuminang na bituin.

Devika Where stories live. Discover now