Chapter 3

5.8K 209 6
                                    

Chapter 03: Heirness

Diana's POV:

Nagsimula naman na magsalita si Tina at Lily kaya nawala ng focus ko sa mga taong nakatitig sa akin.

"Binubuo sila ng Dalawang Babae at Apat na lalaki."

"Si Princess Allyson Hawk. Ang Princess ng West Kingdom. Siya ang may hawak ng Earth Element. Siya yung singkit na maliit ang mukha. Matangos ang ilong niya at may bangs siya. Gaya ng elemento ng lupa. Kaya niyang paamuhin ang kahit anong hayop. Mabangis man o hindi. Titig lamang niya at agad itong kumakalma. Siya ang pinaka maarte pero mabait sa kanilang grupo"

"Si Princess Ceridwen Cassandra Green naman. Ang princess ng North Kingdom. Siya ang may hawak ng Water Element. 'Yung mukha niya naman ay meron siyang kissable lips. Pulang pula ito. Makapal ang pilik mata niya habang bagsak na bagsak ang buhok niyang hanggang bewang. Gaya naman ng Tubig ay napaka ganda ng boses niya. Nagagamit niya den ito para makasira ng mga bagay. Siya ang pinaka mahinhin sa kanilang lahat"

"Si Prince William Stone. Siya ang Prinsepe ng South Kingdom. Siya ang humahawak sa Wind Element. Siya ang playboy sa kanilang grupo pero nakakatakot naman siya pag nagseryoso siya. Siya yung may hikaw sa isang tenga. Matangos din ang ilong niya malalim ang kaniyang mga mata. Pero ang pinaka kinahuhumalingan ng mga babae ay ang dimple niya. Gaya naman ang Hangin ay napakabilis niyang kumilos na hindi mo halos masasabayan."

"Si Prince Theron Blood. Ang prinsipe ng East Kingdom. Siya din ang may hawak ng Fire.
Sabi ng mga matatandang henerasyon ay ang taga pangalaga ng apoy ang pumapangalawa sa pinaka makapayarihang tao sa lahat. Siya yung masungit,Walang pake alam sa paligid, Cold in short. Siya yung may makapal na kilay, Matangos na ilong, Kissable lips at may pierce black eyes. May peklat din siya sa gilid ng labi niya na mas naka attract sa kaniya. Gaya ng Apoy ay sobrang hirap niyang lapitan o hawakan. Malakas ang pakiramdam niya na gaya ng apoy hahawakan mo palang siya ay napaso ka na niya. Siya ang pinaka matalino sa grupo"

"At ang dalawa naman ay-"

Hindi natapos ang sasabihin ni Tina dahil ang bell na. Tumayo na kami para pumunta sa susunod naming klase.

"Ang haba ng nguso mo, Diana. Mamaya itutuloy namin ang kwento wag kang mag-alala" Natatawang sabi ni Tina habang hawak hawak ang kabilang braso ko.

"Oo nga, Masaya pa naman kami pag nagkwento tungkol sa kanila kaya don't worry" sabi ni Lily. Kaya tumango nalang ako.

Ang subject namin ngayon ay History wala akong hilig dati sa A.P pero dahil kakaiba ang mundo na ito ay tututok na tutok ako sa kwento.

"Alam nating lahat na binubuo tayo ng Pitong kaharian. Ang North, South, East, West, Middle at ang Last. Alam kong nabigla ang lahat dahil sa Pang pitong kaharian. Pito dapat ang kaharian kung hindi lang nagsarili ang panghuling kaharian" Napalunok ako habang nakikinig sa kwento ni Hewd Master. Oo si Head Master ang teacher namin sa History.

"Bakit nagsarili ang kanilang kaharian? 15 years ago ay nag lungsad ng labanan ang Last kingdom laban sa Middle Kingdom. Ang dahilan? Dahil 15 years ago Nag eclipse at ng araw din na iyon ay naghanap ng bagong tagapangalaga ang nga elemento.Walang nakaka alam kung sino ang mapipili tanging ang mga Diyos at Diyos lamang." Tumingin si Head Master isa isa sa amin.Lahat kami ay tahimik na nakikinig sa kaniya.

"Namili na ang Elemento. Alam niyo naman na siguro kung sino ang napili hindi ba? Dahil doon ay nagalit ang Last Kingdom dahil sa akalang inagaw ng Middle kingdom ang dapat na sa kanila. Dalawa ang napili sa Middle Kingdom. Ang kambal na Empress. Walang napili sa kanilang Palasyo na naging dahilan ng labanan"

Devika Where stories live. Discover now