chapter five

415 37 9
                                    

I was smiling like an idiot. Kung kanina lamang ay nag-iiyak ako, ngayon naman ay napawi kaagad ang luha ko. Gumaan ang pakiramdam ko na tila wala akong injury na iniinda.

"Talaga?" I happily asked Alastair.

"Well.. your injury is partly.. my fault so I need to make it up.. to you.." bulong niya.

Nagdidiwang ang kalooban ko. Pero naisip ko bigla ang sinabi niya. Hindi ko na siya guguluhin pagkatapos ng favor na sinasabi niya. May partikular kayang dahilan kung bakit kailangan ko na siyang layuan? Hindi kaya allergic siya sa mga magagandang katulad ko?

"Hmmm.. how about you become my boyfriend?"

"No.." he said. "That's impossible.."

Sumimangot ako.

"But what if you did me the favor I want pero hindi pa rin kita tinigilan, what will you do?" I asked to test him.

"I can't see any reason why I have to answer that.." he replied. "Isa pa, are you the type to break a promise? If that so.. that's so cheap."

Sinimangutan ko siya. He's saying something mean. Gusto ko lang naman talaga na makasama siya. Pero wala naman akong ibang choice. Kapag kinulit ko siya, tiyak hindi rin naman niya ako papapansinin. Now that he's willing to do me a favor, I should grab the opportunity.

"Fine.. hindi naman ito pangmatagalan.. then be my boyfriend for a month.." I said.

"No. I don't like it. Ask another favor," he said. Napatungo ako. Wala ba talaga siyang balak pagbigyan ako sa kagustuhan ko?

"Pero iyon lang ang gusto ko. I just want to be with you even just for a short period of time. Pumayag ka na please? Hindi na naman kita guguluhin pagkatapos nito," I pouted my lips. Sana lang umubra sa kanya ang mga pagpapacute ko.

"I can't do it for a month.." he said.

"Then, how about twenty nine days? Let's break up at 11:59pm before mag thirty days!" I happily suggested pero kaagad niya akong sinamaan ng tingin.

"Fine, how about one week? Sabi ng nurse, gagaling na ang sprain ko after a week.. so pwede na siguro ang isang linggo to compensate my injury?"

Hindi na siya umimik. He just shrugged as if napipilitan sa sinabi ko. He's so cute. May konsensiya rin naman pala siya kahit papaano.

"Then when should we start?" he asked.

"Hmmm.." I said while thinking. "Let's start next week. Kailangan ko munang magpaganda for you.." I excitedly said.

"Okay.." he said at akmang aalis na pero pinigilan ko kaagad siya.

"Teka lang, Alastair mahal ko!" nakangiti kong tugon.
Gosh, excited na akong maging boyfriend siya kahit isang linggo lang. This is what you call, isang linggong pag-ibig. Mygad. Why am I excited e panandalian lang naman ito?

"What?" walang reaksyon siyang lumingon sa akin.

"Pwede mag-advance ng kiss?" I giggled. "I want to kiss you because you won the game. I want to give you a reward."

He gave me a 'why the fuck would I want that look". Talaga naman itong mahal ko, napakamahiyain.

"No." sagot niya bago tumalikod. He's really scary when he make that face. He's so timid but when he make that kind of expression, he's so terrifying.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang panoorin siya paglabas. Mabilis ang tibok ng puso ko pagkatapos ng ilang sandali. He could have ignored me, but why did he do that? Afterall, hindi ko naman sinisi sa kanya ang injury ko. Maybe he's interested to me? Or is he just guilty because of my injury?

Persia's PrayerWhere stories live. Discover now