chapter one

1.1K 58 12
                                    

I think I was born lazy. Hindi ako sanay na nagsasayang sa lakas kapag pakiramdam ko ay walang maidudulot na benepisyo sa akin. Ayaw na ayaw kong napapagod kaya nang sumali ako sa club ay mas lalo akong tinamad.

I was forced to join the volleyball club because my father told me I should not focus on academics, but I have to maintain my physique as well. Marunong naman akong humawak sa bola but running and jumping really tires me. Kung papipiliin ako, mas gusto ko na lang mag-aral. It is better because while I am conserving my energy, pakiramdam ko ay sigurado na ang future ko. I am aiming to top this year kaya hindi ko na kailangang pagurin pa ang sarili ko sa paglalaro.

Pero nagbago iyon nang isang beses na niyaya ako ng kaibigan ko na manood ng practice game ng basketball team ng school namin.

"Bakit kailangan ko pang sumama dito?" tugon ko kay Emily nang makaupo kami sa pinakamalapit na bench. Kasama ko siya sa volleyball club at isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan.

"Bakit parang pagod na pagod ka? Hindi ka naman nagpractice. Kapag nalaman lang ni Coach na nasa bangko ka ngayon, patay ka na naman doon," naiiling na sabi ni Emily.

I sighed heavily. Kapag wala ang coach namin ay malaya akong nakakaupo. Hindi ko kailangang tumakbo at magpakapagod dahil alam kong.. wala namang dahilan para pagurin ang sarili ko. I rarely participate on matches kaya madalas akong pagalitan ng sarili kong ama.

"I am thinking of quitting the club." sagot ko sa kaibigan pero halatang hindi ito nakikinig.

Saktong lumabas ang manlalaro ng school namin. Kaagad na umingay ang buong court. Hindi ko alam kung anong dahilan kaya pinagmasdan ko ang grupo ng mga manlalaro. And that particular guy caught my attention. Pakiramdam ko ay kumabog ang puso ko dahil sa nakita. The guy was expressionless. Hindi ko alam kung sadyang wala siyang pakialam sa ingay pero alam kong iyon nga ang dahilan.

Matangkad siya at hindi gaanong maskulado ang pangangatawan pero halatang batak na ang katawan sa paglalaro. Maitim ang buhok ng lalaki na nagpatingkad sa maputi nitong kompleksyon. Dahil mukhang maputla ang mukha nito, nahiglight noon ang mapula niyang labi. Hindi siya nakasimangot pero halatang hindi rin nakangiti.

From that moment, I knew it. I instantly fell in love.

"Sino yung number 7?" tanong ko kay Emily. Agad na ngumiti sa akin si Emily.

"See? Sinasabi ko na nga ba at magiging interesado ka e. That's Alastair Hidalgo, isa sa pinakamahusay na manlalaro ng school natin. He's from Criminology Department," she said pero ramdam kong may iba sa tono ng pananalita niya.

Napalunok ako. Habang tinititigan ko siya, mas lalo siyang naging attractive sa paningin ko. Binulungan ito ng lalaking katabi pero hindi ito ngumiti. Bagkus ay tumango lang.

"Not really," tanggi ko. "Napansin ko lang na sadyang maganda ang pangangatawan. Batak siguro sa paglalaro," tugon ko.

"Right, magaling talaga ang mata mo sa pagkilatis. Madalas, siya ang MVP kaya ilang trophy na ang naiuwi ng school natin. Dahil iyan sa kanya. Magaling din makisama sa kalaro niya kaya mataas ang posibilidad nilang manalo."

I was impressed. Naririnig ko na ang balita na sadyang maganda ang pundasyon ng school namin pagdating sa sports pero wala akong pakialam doon noong una akong sumalta dito. That's because I was busy conserving my energy on my studies.

"He's getting along with his friends but Alastair is a man of few words. Sadyang hindi palaimik," dagdag pa ni Emily.

Tumango ako. Halata naman sa lalaki na hindi ito palaimik. Magaling akong mangilatis ng tao kaya madalas ay kaya ko silang basahin. Hindi ako nagkamali sa pagkilala sa lalaking ito. But why am I interested right now?

Persia's PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon