chapter eight

635 44 18
                                    

And just like that... our one week relationship ended. Sa huling araw, masyado akong matamlay that I even cried nang ihatid na niya ako pauwi ng bahay.

"Anak, wala ka bang gusto? Ibibili kita ng gusto mo," yakap yakap ako ni Papa at tila inaalo. "Isang linggo ka ng ganito. Hindi ako sanay na ganito ka," marahang tugon ng aking ama. Isang linggo na yata akong nagmumukmok dahil sa mabigat na nararamdaman.

Wala akong ganang kumain at kapag may pagkakataon ay muli akong iiyak. Alastair is the one for me. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko pero kapag naalala ko ang sinabi niyang magpapakasal siya sa ibang babae, hindi ko maiwasan ang magmukmok.

"Wala po akong ganang kumain.." humihikbi kong tugon.

My father sighed. "I'm sure you'll get over that guy. Sinabi ko naman sa iyo noong umpisa pa lang na hindi ka dapat nagpumilit. Ikaw tuloy ngayon ang nasasaktan."

"Ayoko pong magkaroon ng regrets. Kung sakit naman ang kapalit ng alaala naming dalawa, ayos lang po sa akin. It's better to live in pain but with memories with him rather than having regrets."

My father sighed. He's really worried. I am not really this emotional pero dahil unang pagkakataon na nasaktan ako, kinailangan kong ilabas ang nararamdamang sakit. In that way, I'll feel better.

"Sigurado ka ba.."

"Papa naman eh, hindi naman ako magssuicide dahil lang sa heartbreak. I'll be fine!" Sinamaan ko ng tingin ang ama ko kaya tumawa siya sa akin at saka ako tinapik sa balikat.

"I know you're not emotionally intelligent, Persia.. Tanda ko pa noong maliit ka pa at hindi kita ibinili ng gustong laruan. Dalawang linggo mo akong hindi kinausap noon.."

Jeez, this old man... really..

"What does that have to do in my situation?"

"What I meant is you're too young. And you're new to this. At dahil masyado kang emosyonal ngayon kaya marami kang bagay na maiisip gawin. Maybe you'll want to pursue him again kasi hindi mo matanggap.. but you should think wisely, anak.." paliwanag niya. "Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay pwede mong makuha. Sa madaling salita, baka hindi talaga siya ang para sa'yo.."

Muling nagluha ang mga mata ko. Masakit marinig iyon lalo pa at sa ama ko iyon nanggaling.

"Pero ito ang tatandaan mo, 'nak. May pagkakataon na  sa umpisa, sadyang hindi para sa'yo. You can think, 'ahhh, maybe he's not meant for me. Pero sa tamang pagkakataon at panahon, kapag bumalik muli ang taong iyon para sa'yo, then he was yours from the very beginning."

Natigilan ako sa sinabi ng ama ko, pagkaraan ay sumimangot.

"San mo na naman nakuha 'yang sinabi mo 'Pa?" He laughed at my remarks at saka ginulo ang buhok ko.

"I'm trying to do my job as a father pero ganito ang igaganti mo sa akin.." natatawa niyang tugon.

"Thank you, Papa. But I don't want to hope for something impossible. You see, Papa.. he's bound to marry someone else. How can you say that he's for me?"

"I didn't say he's for you." I gritted my teeth. "Ang ibig kong sabihin, may ganoong pagkakataon na babalik sa'yo yung inaakala mong hindi. Hindi mo masasabi ang mga bagay. Malay mo naman hindi matuloy ang kasal.. He's just engaged but that doesn't necessarily mean na matutuloy ang kasal." makahulugan niyang tugon.

"Papa naman!" inis kong tugon. I know there's possibility that that thing would happen, but it's the least thing to happen. Well, he's distant to girls.. kasi nga he's bound to marry her. Ibig sabihin lang, he's devoted to her. He's faithful and he loved that girl a lot.

Persia's PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon