chapter ten

1K 46 39
                                    

"Gusto mo pasok ka muna sa amin? Baka gusto mo ng maiinom? Nakakahiya naman at inihatid mo pa ako hanggang dito sa amin.."

Dylan snorted. "It's fine. Isa pa, nakakahiya sa Papa mo.."

Naikwento ko kay Dylan ang tungkol sa aking pamilya. Magaan ang loob ko sa kanya kaya naman natural na naging makwento ako sa kanya. Dylan is an only child and he came from a rich family. He is sheltered until highschool kaya naman naiintindihan kung bakit palakaibigan siya sa kahit na sino.  Dahil doon kaya siya nalabel-an na playboy.

"Bakit ka naman mahihiya? Wala ka naman noon.."

Dylan laughed. "Fine.. Ayos lang ba sa Papa mo? Baka magalit iyon?"

"Wala naman si Papa ngayon at nasa bahay ampunan pa iyon ng ganitong oras. At kung madadatnan ka, ayos lang iyon. Inimbita naman kita kaya walang masama doon.."

Dylan smiled again. "If you insist.."

Binuksan ko ang gate ng bahay at saka ko pinapasok si Dylan. Something caught my attention. It was a shadow pero mabilis iyong nawala. Hindi ko na lamang binigyan ng atensyon dahil baka guni-guni ko lamang iyon.

I made a coffee for Dylan at saka binigyan ko ng muffins na ginawa ko kaninang umaga. I hope he's okay with leftover breads. Wala naman kasing ibang gaanong engrandeng pagkain sa loob ng refrigerator.

Doon kami pumwesto sa may terasa at saka doon nagkwentuhan.

"So, gaano ka kayaman?" I asked him. Natawa siya sa tanungan ko.

"Really, you're gonna ask me that?"

I laughed. "Nagtataka kasi ako bakit sa isang state university ka nag-aaral gayong mas maraming prestihiyosong unibersidad sa Maynila?"

"I just want to breathe.." he said. Naintindihan ko ang kaagad ang sinabi niya. Hindi siguro madali para sa kanya ang lahat. Kahit na mayaman sila, hindi kailanman magiging perpekto ang pamumuhay nila. Living extravagant life mean you have to live on the society's standard. Unlike ordinary people like me. Mahirap pero may kalayaan.

"Ohh.." pagtango ko. "Mukhang masaya ka nga at nakahinga ka na."

He smiled. Alam niyang naintindihan ko ang sinabi niya. "Yep, I gained friends. And it was fun."

Gaano ba talaga sila kayaman at kailangang nasa bahay lang siya? Wala ba siyang naging kaibigan?

"Oh, but to answer your question. We are rich. But compared to Alastair's family, well... I can't estimate. His family's wealth is no joke."

Huh?

"Si Alastair? Hidalgo?" Nagtataka kong tanong.

Dylan nodded. "Kaunti lang ang nakakaalam. Siguro, ilan lang sa aming mga teammates niya. He is extremely rich he can buy anything. Like literally anything, be it people, information and so on.."

Nanlaki ang mata ko. How can I let go of that big fish?!

"Huh? Parang hindi naman halata?"

Well, he owns a car but hindi naman high class ang sasakyan niya. Ang bahay na tinutuluyan niya, it's too simple kumpara sa sinasabi nitong si Dylan. So paano siya naging mayaman?

"Ahh, he's a rich conglomerate's son but he's you know.. really stubborn. Hindi niya gustong sumunod sa kagustuhan ng magulang."

Sa sinabing iyon ni Dylan, napuno ang utak ko ng kuryosidad. Hindi ko nga gaanong kilala si Alastair pero may tila nagsasabi sa utak ko na kilalanin pa siya. Is it because he's rich?

No. Kaya kong kitain ang pera kaya alam kong hindi ako curious dahil nalaman kong nagmula siya sa mayamang angkan. Subalit, may malalim pang dahilan pero mas pinili kong isantabi ang mga tanong na iyon. Dahil naitatak ko na sa isip ko na hindi ko na kailangang i-involve ang buhay ko kay Alastair. We are now strangers.

Persia's PrayerWhere stories live. Discover now