Chapter 9

33 0 0
                                    

HAPPY READING
NXS || NEXXUS

Ang kaninang sigla ay nabalot na ngayon ng katahimikan. Lahat ay mahimbing nang natutulog at tanging ang kanilang munting mga hilik at tunog ng aircon ang bumabasag sa nakakaasiwang katahimikan sa pagitan nina Dheo na siyang nakatokang magmaneho at Ezekiel na ngayon ay nakaupo parin sa pangunahang upuan habang malayong nakatingin sa kaniyang bintana.

Alas tres na ng madaling araw at kakalagpas lang nila ng Naga. Ngayon, kanilang binabagtas ang daan patungong Legazpi, Albay, kung saan ang susunod na stop over ng bus na sinasakyan ng kanilang Mamu Blessy.

"Kiel? Psst, kiel? Tulog ka ba?" Pangungulit ni Dheo.

Kanina pa nagtitimpi si Ezekiel sa kakulitan nito simula nang siya na ang nagmaneho kapalit ni Maxi, 'di tuloy siya makatulog sa ingay ni Dheo. Humarap siya sa kaniya na may 'mukha ba akong natutulog' na ekspresyon dahilan upang mapakamot na lamang si Dheo sa kaniyang ulo sabay ng isang pilit na ngiti, bago muling ibinaling ang tingin sa daan.

 Ezekiel just scoffed at ibinaling na rin ang kaniyang tingin sa labas ng bintana.

"hmm ano kaya puwede nating gawing topic?" wala sa sariling tanong ni Dheo na pinaparinggan si Ezekiel para pansinin siya nito.

" Paano kaya kung pagkain? O di kaya'y lugar nalang? mga hayop?" masiglang tanong ni Dheo sa katabi, but all he can hear was Ezekiel's murmurs and curses.

"Tss, close ba tayo?" Sarkastikong tanong ni Ezekiel sa mababa at mahinang boses, sapat lang para hindi iyon marinig ni Dheo.

" Kiel, balita ko ikaw na raw namamahala sa kompanya ng daddy mo. Naabot mo na pala yung pangarap mo eh... medyo late na ang sasabihin ko pero... Congrats!" masiglang bati ni Dheo.

Ezekiel remained unmoving while looking outside the dark and empty window, not minding what Dheo said.

 He never noticed that driving in the middle of the night would make him feel alone; like drifting in an empty space. If it wasn't for the car's headlights and lightposts, illuminating under the pitch black sky, he would probably feel lost in the sight of emptiness and desolation.

It's like you're constantly driving on an endless road. Knowing nothing. Expecting nothing.

"Buti ka pa naabot mo na ang pangarap mo. Medyo na delay nga lang yung akin eh. Ewan ko ba at hindi ako laging natatanggap sa mga companyang inapplyan ko. Kaya...baka hindi ako makadalo sa kasunduan natin lahat dati... puwede pa naman sigurong humabol diba?"

"Those were false promises...don't expect for it to happen" Ezekiel said.

"Pero, puwede pa naman 'yun mangyari, pramis, hahabol ako—"

"Dream then" he cut him off.

Agad natahimik si Dheo sa sinabi ni Ezekiel. It was like an insult to him pero naiintindihan naman din niya ang galit nito sa kaniya.

"Dheo ako na muna mag d-drive, magpahinga ka na muna" biglang nagsalita si  Niño sa kaniyang likod. Kagigising lang nito bago nagsuhestiyon na magpahinga namuna siya at magsilatan na muna ng maneho. 

"s-sige"

Agad naman pumayag si Dheo at inihinto na muna ang sasakyan sa tabi ng daan bago nagsalitan silang dalawa ni Niño.

"Gising ka pa, kiel?" Gulat na tanong ni Niño kay Ezekiel. Hindi na kasi ito muling natulog simula nang magsalitan ang Kuya Maxi niya at si Dheo.

Tango lamang ang naging tugon nito bago itinagilid ang ulo at nagsimula ng ipikit ang mga mata. Nagtaka naman si Niño kung bakit ngayon pa si Ezekiel natulog, pero isinawalang bahala niya lamang ito. He just shrugged and started the engine bago tinahak ulit ang daan patungong Legazpi.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now