Chapter 7

34 0 0
                                    

HAPPY READING
NXS || NEXXUS

Bago makalabas ng Maynila, napadaan muna sila sa drive thru ng isang fast food chain to buy themselves some dinner before tracking their mamu Blessy down to Albay.

They were in a hurry. Kailangan nilang makapagplano sa mga susunod nilang gagawin para maabutan pa nila ang bus na sinasakyan ng kanilang Mamu Blessy bago pa ito makarating ng Cebu. It would be too late for them to save their mamu if that happens.

"Sige kiel, mag-b-book kaagad ako ng flight ngayon at bukas ay patutungo na ako. I'll stay in your tito's house for the meantime. They actually invite us to go there kasi next week na ang Sinulog Festival. Mapapaaga nga lang ata ako ng punta" sagot ni Valerie sa anak.

It's already past nine in the evening. Dheo, Maxi, and Aleah were now asleep. Nag salitan na lang sina Kuya Maxi at Niño para tuloy-tuloy ang byahe nila.

"Sure ma, I'll call you again once my secretary finishes what I have told her. Probably when we reach Lucena. I need to buy a new phone and I also need to cash out some money" si Ezekiel.

Naikuwento na ni Ezekiel sa kaniyang ina ang patungkol sa nangyari kanina. Damn, those kids were good in deceiving people. Kailan man ay hindi pa siya nauto ng ibang tao, he was being feisty in the business world and then he just got deceived by kids.

"Okay Kiel, call me if you have an update" nagpaalam muna sila sa isa't isa bago niya pinatay ang tawag.

Napabaling siya sa labas ng bintana na tanging street lights at headlights ng mga sasakyan ang kaniyang nakikita. Napabuntong hininga na lamang siya. They need to hurry; their Mamu needs them. She might be scared and worried right now.

"Niño, tell me if you're tired already. We'll take turns." si Ezekiel kay Niño.

He was concerned about him. He was wide awake after they went right away from the terminal. Well, it's not good to drive when you're heavy-eyed.

"Ayos lang Kiel, nakapagkape naman ako " tugon pa nito. Napatango naman si Ezekiel.

"Just wake me up, so that we could take turns, okay?" Tumango lang ito at nagpatuloy na sa pag-d-drive.

Nabaling naman si Ezekiel sa mga kasama. Bakas sa kanilang mukha ang pagod, and they really sacrificed their time to look for Nay Blessy. Well, since they were little, kahit na mga pasaway sila, they still cared about their Mamu Blessy. A lot. Kaya ngayong nasa panganib ito ay gagawin nila ang lahat maiuwi lamang ito ng ligtas.

Unti-unting pinikit ni Ezekiel ang kaniyang mata hanggang sa magpakatianod siya sa antok na kaniyang nararamdaman.

"Malapit na tayo sa Lucena, konting push nalang yan!" Umalingaw-ngaw ang boses ni Reggie sa loob ng van dahilan ng pagkagising ni Ezekiel.

He rubs his eyes and fixes his hair before looking outside the window. There he saw a huge mountain; and as far as he remembers, it was Mt. Banahaw.

"Anong konting push Reggie? Malapit na tayong maubusan ng gas oh!" sagot naman ni Dheo na siyang nag d-drive sabay turo sa kaunting gas sa kanilang sinasakyang Van.

Agad namang napalingon si Reggie roon at nagulat na totoo nga pala talaga. Nakalimutan nilang magpa-gas ulit sa Maynila, plano talaga nila 'yon pero mukhang nakaligtaan nila dahil sa pagmamadali. Patay!

"Hala Reggie, paubos na talaga! Paano 'to? Hoy, pahinto-hinto na!" Naghihisteryang si Dheo.

Agad namang nagising sina Aleah, Maxi at Niño sa ingay ng mga taong nasa kanilang harapan.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now