Chapter 1

103 8 0
                                    

HAPPY READING
NXS || NEXXUS

San La Cresa
2020

"Hoy Dheo gumising ka na! Hinahanap ka na ni Sita!" sigaw ng nanay ni Dheo habang tinatambol ang dalang kawali at sandok papasok sa kuwarto ng kaniyang anak.

"Aba! hindi ka pa talaga gigising ha!" makaraan lang ang ilang minuto ay ulit tinambol ng ginang ang kaniyang mga dala dahilan para mapabalikwas ng bangon si Dheo na ngayo'y tumutulo pa ang laway.

Napakamot na lamang ang binata sa kaniyang ulo sabay kusot sa kaniyang mga mata. Apat na oras lamang ang kaniyang tulog kaya medjo nahihilo pa siya at sumasakit ang kaniyang ulo. Madaling araw na kasi siyang nakauwi matapos ang kaniyang shift sa kaniyang part time job sa isang gasoline station.

"Nay naman, naputol tuloy ang panaginip ko..." sabay tayo nito at agad nagtungo sa kanilang poso na nasa likod ng kanilang bahay upang maghilamos.

"Magmadali ka riyan. Kanina pa naghihintay si Sita para ma-deliever mo na ang mga rosas niya kina Ma'am Valerie. Lalo pa't may munting celebrasyon daw na magaganap mamaya sa mansyon ng mga Cero" sambit ng kaniyang ina.

Biglang napatigil si Dheo sa kaniyang gingawa at agad napabaling sa kaniyang ina. Halos makalimutan na niya na ngayon pala ang birthday ng kaniyang Mamu Blessy. Napatingin naman sa kaniya ang kaniyang ina sabay napailing dahil mukhang muntik nang nakalimutan ng kaniyang anak kung kaninong especial na araw ngayon.

"Sige na, maghanda kana at magtungo roon. Nagluto ako ng caldereta dadalhin ko ito mamaya sa kanila Ma'am Valerie"

Ang naudlot na hilamos ni Dheo ay nauwi sa ligo at dali-daling nagpalit ng damit. Humarap siya sa kanilang salamin at pinagmasadan ang sarili mula roon. Halata sa kaniyang mga mata na kulang siya sa tulog, subalit binalewala niya lamang ito. Hinampas ni Dheo ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang palad upang sa ganon ay magising siya ulit.

" Bakit ang gwapo mo ngayon Dheo?" kausap niya sa sarili sabay iling habang nakapikit ang mga mata.

"Tama na ang pagpapahangin sa harap ng salamin, kuya. Kanina pa nagpuputok ang butchi ni Aleng Sita. Puntahan mo na" si Rafael. Ang nakakabatang kapatid ni Dheo.

" Ang tawag diyan Raff, self love!" Pagrarason pa niya.

" 'Yan naman lagi linyahan ng mga single" pagkontra pa nito

"Aba bibig nito oh! Maghihiwalay din kayo ni Jennie oy!" pagpatol nito sa kapatid na tinapunan lang siya ng masamang tingin. Lumapad naman ang ngiti ni Dheo sa labi dahil napakapikunin talaga ng kapatid niya.

"Mas gwapo naman ako sayo" si Raff.

" Gwapo pala ha---" hindi na naituloy ni Dheo ang pag wrestling sa kapatid ng bigla naman siyang hinampas ulit ng sandok ng kaniyang nanay.

"Diba Sabi ko magpunta ka na roon?" paalala ulit ng kaniyang ina kaya marahang napangiti naman si Dheo sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Ah o-oo nga pala! Aalis na nga ho ako eh" sabay takbo nito palabas ng kanilang bahay at dali-daling sumampa sa kaniyang bisekleta bago pa mahampas ng ulit kaniyang ina.

"Bye Ma! Lab you!" nakangiting paalam niya habang tinatanaw ang inang nasa hamba ng kanilang pintuan na naka pameywang at nakataas ang kamay na may hawak na sandok. Ikinangiti na lamang ng kaniyang ina ang kakulitan at kapilyohan ng anak.

Nang nakarating si Dheo sa ngayon ay flower shop na pagmamay-ari ni Aleng Sita, agad niyang inihanda ang kaniyang sarili sa paglilitanya ng Ale. Umasenso na ito sa makalipas na mga taon at kasalukuyan siyang nag pa-part time roon tuwing sabado.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now