Chapter 6

44 1 0
                                    

HAPPY READING
NXS || NEXXUS

Tanghali na ng marating nila ang sentro ng Pasay at nagyon ay patungo na sila sa Oriño Bus Terminal. Pero bago tumahak sa kanilang patutunguhan ay pansamantala muna silang tumigil upang mananghalian sa isa sa mga suking karenderya ni Reggie na malapit lamang sa nasabing terminal.

"We could just dine in a restaurant, Reggie" suhestiyon pa ni Ezekiel but Reggie was persistent na ang Koring's Eatery ang pinaka the best, lalo na ang kanilang Adobo, Sinigang at Sisig.

"Pramis kiel, Masarap dito! Hali na kayo!" Anyaya ni Reggie sa kaniyang mga kasama na ngayon ay nababaguhan sa lugar lalo na si Aleah at Ezekiel.

"Suot mo 'yan, baka may makakilala sa'yo" sabay taklob ni Niño ng malaking cap niya kay Aleah at siya na rin mismo nag-ayos nito.

Hindi naman mapigilan ni Aleah na mapatitig sa ginawa ni Niño. She felt something with his kind gesture. Dahil 'don, mas nakita niyang maigi ang kabuuan ng mukha nito.

"Hayan! Ayos na" Anunsyo ni Niño sabay ngiti nito sa kaniya, making her heart flutter.

"T-thanks"

Agad silang pumasok sa isang maliit na karenderya na may pito lamang na mesa at halos punuan na rin. Buti na lang at may bakanteng upuan pa na sakto lamang sa kanila.

"Nay Koring! Pa order nga ho ng tag-iisang serve ng lahat ng 'yan, ten cups of rice at anim na pepsi" kashwal na bungad ni Reggie sa may-ari ng karinderya na si koring.

"Reggie, hija! Matagal-tagal ka na ring hindi nakakapunta rito ah!" Tugon ng ginang na nasa kaniyang mid-40's. Naka itim itong hairnet at puting t-shirt ito na nakapaloob sa pink floral apron.

"Na-miss ko nga ho luto niyo, eh!" Sagot ni Reggie habang isa-isang binunbuksan ang mga kalderong nakalatag sa mesa.

"Aba may kasama ka hija, sino sila?" Tanong ni koring habang tinatanaw ang limang kasama nito.

"Mga kaibigan ko ho!"

"Hi po Aleng Koring!" Masiglang bati ni Dheo habang kumakaway na para bang matagal na talaga silang magkakilala.

"Magandang tanghali, hijo! Sana magustuhan niyo ang luto ko rito!" Sagot naman ng ginang na kumaway din gamit ang kamay na may hawak na sandok.

Nang matapos maghain ni Koring sa mga binili ng kaniyang mga costumer, agad iyong kinuha ni Reggie na siyang tinulungan naman nina Dheo at Maxi.

Magkatabing kumain sina Dheo, Niño at Ezekiel habang nasa harapan naman nila ay sina Reggie, Maxi at Aleah.

Wala na sa kanila ang nagsalita dahil pareho silang lahat na gutom at ngayon ay nagmamadali na rin dahil may gagawin pa sila, subalit sa kalagitnaan ng kanilang panananghalian ay may biglang kumalabit kay Reggie dahilan ng pagkasamid nito sa kaniyang kinakain.

"Kahit kailan talaga, oh! Ang kalat mo ate!" Singhal ni Niño sa kapatid, kaya agad siyang inabutan ni Maxi ng panyo.

"Reg! Kumusta ka na!" Sabay akbay ng isang lalakeng nakauniporme na pang pulis habang may dala itong paper bag na naglalaman ng pagkaing nabili nito sa karenderya.

"E-eliseo?... Eliseo!" Agad pinahid ni Reggie ang sebo sa kaniyang labi bago nataranta sa biglaang paglapit ng kaibigang pulis.

Napatingin siya sa kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nakatingin na rin kay Eliseo. 'baka mabisto ako nito!' Pagsasaisip niya.

"Kumusta ka na, chief!" Sabay tapik nito sa balikat ni Reggie.

"A-ayos lang naman!" Sabay tawa niya.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now