Chapter 11

28 1 0
                                    

HAPPY READING 

NXS||NEXXUS

"P-papa? Bakit po kayo naparito?" Tanong ni Rica sa ama na halos ilang taon din niyang hindi nakikita. 

Pareho parin ang tangkad nito including its features, yet it was quite evident that he really did aged over the years because of his wrinkles and white hair. It even feels nostalgic to see her father near their door, kung dati ay umiiyak pa siya sa parehong lugar sa tuwing umaalis ang ama ng ilang linggo para sa trabaho.

"Pa, aalis ka na naman?" tanong ko sa kaniya ng makitang nagsusuot na ito ng kaniyang bota sa may pintuan.

"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo, Rica! Kailangan magtrabaho ng papa mo para magkapera tayo, kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo para makaalis na tayo sa lugar na 'to. Ang init!" si mama habang nakaharap sa salamin at nag-aayos ng sarili.

 Aalis daw siya dahil birthday ng kaibigan niya sa kabilang barangay, kahit alam ko namang sa bar talaga ang punta niya.

"Christia, iiwan mo naman ba ang mga bata dito sa bahay ng mag-isa? Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na huwag kang alis ng alis!" si Papa na ngayon ay galit na nakatingin sa kay mama.

"Eh ano naman? Kaya na nila 'yan, malaki na sila, Alfred!" si mama at nilagpasan lamang si papa sa pintuan, Kaya agad hinablot ni papa ang braso nito upang pigilan ang kaniyang pag-alis subalit naging dahilan lang ito upang magsimula na naman silang mag-away.

At a young age, we're already aware on our parents' issues and how our family was always the talk of the town. My mother works in a bar, at tuwing wala si papa rito ay dinadala niya ang kaniyang mga kliyente sa bahay. Sa tuwing nangyayari iyon, palagi kaming umaalis ni kuya papunta sa Grace Field, isang orphanage malapit sa lugar namin upang doon pansamantalang mamalagi kasama si Sister Dory, isa sa mga tagapamahala ng bahay ampunan.

"Diyos ko'ng mga batang 'to, Pasok kayo dali, umuuulan pa naman at magkakalagnat kayo niyan" nababahalang sambit ni sister Dory sa aming magkapatid.

"Pasensya na ho Sister Dory... n-nasa bahay kasi si m-mama at may kasama na naman siya—"

"shhh... ayos lang, hijo. Dito na kayo magpalipas ng gabi" malungkot lamang ngumiti si Sister Dory sa amin bago iminuwestra ang daan patungo sa palagi naming tinutuluyang silid.

Ganoon ang naging takbo ng buhay naming magkapatid sa loob ng ilang taon. Napadalas na ang pag-alis ni papa sa bahay at halos buwan-buwan na lamang ito umuuwi. Si mama naman ay napapadalas na rin ang pagdala ng kaniyang iba't ibang kliyente sa bahay, to the point that it actually felt that it wasn't our home anymore.

Halos lahat siguro ng insulto mula sa mga kaklase, kapitbahay at kapamilya ay narinig na namin. And how weird it was because I always agree on what they said about our family, and it feels normal already for me to hear such sentiments from other people. Kaya I always believe na ganoon na talaga siguro ang buhay namin.

Makalipas ang ilang taon, natuklasan na lang din namin na may iba na palang pamilya si papa, samantalang si mama naman ay tuluyan nang sumama sa isa sa mga kliyente nitong kano at iniwan kami ni kuya sa isa sa mga kapitbahay namin kasama ang isang-taong gulang naming kapatid.

"Maghanap kayo ng trabaho! Hindi libre ang pagpapatira ko sa inyo rito! Pucha talaga 'tong si Christia at nag-iwan pa talaga ng mga palamunin."

Naging mahirap para sa aming magkakapatid na lumaking walang mga magulang, lalo na sa isang-taong gulang naming kapatid na si Aren. Lahat ng pangungutya at panghuhusga na aming naririnig ay buong puso naming tinanggap ni kuya hanggang sa naging manhid na kami sa mga ito. It was like I was used to the pain already. Pero mas pinili naming maging matatag, at sa murang edad ay nagtatrabaho na sa terminal upang may pambiling gatas at pantustos sa pag-aaral namin ni kuya.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now