Chapter 5

102 4 0
                                    

"Tita, ano po ba ang nangyari kay Mamu? Bakit siya nawala ng ganon?"mabusising tanong ni Maxi.

Nang matapos ang kanilang munting salo-salo ay nagtungo agad sila sa common room ng mga Cero at doon napag-isipang simulan ang kanilang sadya sa pagparito. Bumuntong hininga na lamang si Valerie bago ibinaba ang iniinom na kape.

"Noong nakaraang araw, nagpaalam sa akin si Nay Blessy na mamalengke lamang sa kabisera, pero maghahapon na lang ay hindi parin siya umuuwi. Kaya pinasundo ko na siya sa isa pa naming kasambahay baka marami ang mga binili nito at baka nahihirapan siya sa pagbubuhat, subalit pagkabalik ng pinasundo ko ay wala raw doon si Nay Blessy," Pagsasalaysay ni Valerie habang namumungay na nakatingin sa mga kasama.

"Sabi niya, nakita raw ng ilang mga tindera na may biglang humila kay Nay Blessy palayo roon pero di nila nahagilap ang mukha nito. 'Di na lang nila ito nilapitan dahil  baka anak o pamangkin niya iyon. Pero, wala namang anak na lalake si Nay Blessy at nag-iisang babae lamang ang anak nito na siyang wala rito sa San La Cresa. kaya malakas ang kutob ko na may nagtangka sa buhay ni Nay Blessy" pagpapatuloy ni Valerie na namumula na ang mga mata sa nagbabadyang iyak. 

Halos lahat ng naroon sa silid ay tahimik lamang at mariing nakikinig sa kuwento ni Valerie.

Di naman maiwasan ni Ezekiel, Niño at Reggie na magtiim-bagang at makaramdam ng galit dahil sa ginawa sa kanilang ina-inahan. Habang 'di naman mapakali si Aleah at Maxi sa mga posibleng mangyari sa ginang dahil magta-tatlong araw na itong nawawala.

"Tita, baka umuwi lang sa probinsya? O di kaya'y may binisita sa ibang lugar? " Maxi tried to ease the tension. Dahil sa mga reaksyon pa lamang ng kaniyang mga kasama, tiyak na nababahala na sila sa kalagayan ng Nay Blessy nila.

"That's what I'm hoping Max, pero narito pa ang mga gamit ni Nay Blessy sa bahay; at hindi katangian ni Nay Blessy ang hindi magpaalam kung saan siya tutungo. She's been with me for almost 30 years already, at ni minsan ay hindi siya umalis ng 'di nagpapaalam" malungkot na tugon ng ginang.

"What do they want? Money? We could give it to them. 'Di nila kailangang kunin si Nay Blessy para lang makakuha ng pera sa atin! We could just slap it in their faces if they wanted to" galit na tugon ni Ezekiel.

"Ma, di kaya gawa ito ng business competitors natin? Are they that desprate to even resort to that decision? dinamay pa talaga si Nay Blessy!" puna pa ni Ezekiel. May kutob siyang baka isa ito sa mga kalaban niya sa kanilang negosyo. Maybe those dogs are trying to play dirty on them. Di niya na lamang mapigilang mapakuyom ng kamao at mas lalo lang nadaragdagan ang galit na nararamdaman niya.

"Hopefully not, Ezekiel. I hope they didn't resort to that and include Nay Blessy in our business' issues " tugon ni Valerie sa anak at marahang inawat ang anak.

"Na report na ba ang kasong ito sa mga pulis, tita?" Tanong ni Aleah. Tumango naman ang ginang.

"Yes, we already filed a report sa estasyon and they are now working on it and good thing that Reggie is here with us, she could definitely help us find Nay Blessy" sambit ni Valerie dahilan para mapatingin ang lahat kay Reggie.

"Right, Reggie?"

Agad napaayos ng upo si Reggie at Di naman mapigilang makaramdam ng kaba. Ang laki ng responsibilidad na ipinapataw sa kaniya. Everyone is looking at her, full of hope sa paniniwalang kaya niyang hanapin si Nay Blessy. Pero ang problema, hindi naman siya pulis. Gustong umalma ni Reggie but this is the fruit of her lies; and her conscience is consuming her being.

"O-Oo tita, na contact k-ko na po ang mga k-kasama ko. Ginagawa na po namin ang lahat." Tugon ni Reggie. Naramdaman nalang niya ang kamay ni Maxi na pinisil ang kamay niya, kaya tumango siya bilang tugon na ayos lang siya.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now