Epilogue

6.3K 175 54
                                    

Epilogue


Serenity's POV:


Pagmulat ko, nasa isang magandang lugar ako. Ang mga nakaperch na kalapati sa tabi ko ay nagsiliparan nung naupo ako.


Para akong nasa isang simbahan!


Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Mabuti na ang pakiramdam ko! Wala nang kahit na anong masakit sakin! Si Loki ba ang may gawa nito sakin? Pinagaling ba niya ako?


Nasaan na nga pala siya?!


"Loki?"


May bukas na lagusan sa likuran ko. Magkabilaan pa sila. Bumaba ako sa hagdan at pinagmasdan ko kung ano ang meron sa labas.


Natutop ko ang bibig ko sa sobrang ganda ng tanawin. Nakakaiyak. May ganitong lugar pa ba sa mundo?


Naglakad lakad ako saglit kahit nakatapak lang ako. Nakakaengganyo ang mga bulaklak sa paligid. Hmm... Sana kasama ko si Loki para pagmasdan ang lugar na ito...


Pumasok na lang din ako sa loob di katagalan. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ni Loki.


Gaano ba kasi siya katagal mawawala? Haaay....


Napukaw ng pansin ko ang napakalaking pinto sa tapat ko. End to end ang layo nun sakin.


Papatayin talaga ako ng curiosity ko pag di ko tiningnan kung anong meron dun.


Dumikit muna ako sa malaking pinto. Pinakiramdaman ko kung may tao ba sa likod nun. Tahimik.


Dahan dahan kong itinulak ang double door, na medyo nahirapan pa ako dahil mabigat.


Napangiti ako sa nabungaran ko pagkabukas ko ng pinto.


"Oh, nandito ka lang pala... Kanina pa kita tinatawag pero bakit hindi ka sumasagot?"


Ang mahal ko, nakatayo siya sa ibabaw ng umaapaw na balon. Ka-level lang ng sahig yung bunganga ng balon na yun eh.


Lumapit ako sa kanya. Sumulyap siya sakin pero bumalik ulit ang tingin niya sa mga kamay niya.


Bihira sa bihira ko lang siyang makitang umiyak pero iba tong ngayon eh. Umaagos talaga ang luha niya.


Hinaplos ko ang pisngi niya. Dun ko naintindihan kung bakit dapat siyang umiyak ngayon.


Ako rin, napaiyak. Dun niya ako niyakap nang napakahigpit. He's finally warm.


"Loki... Tao ka na?" gusto kong ma-confirm mula mismo sa kanya.


"O-Oo..." pabulong niyang sagot.


I know that's not too much for us. We can't live forever and we don't have super powers...


Pero hindi ba mas magandang isipin yung mga makatotohanang bagay? I want to grow old with him, at kapag nagkaroon kami ng mga apo, naku marami akong maikekwento! Mga bagay na mas maganda pa kesa sa kahit anong fairty tale.


"Loki... Siguro nakakasawa nang pakinggan, pero mahal kita!"


"—Bakit naman ako magsasawa? Gusto kong marinig yun galing lamang sayo, para sayo lang din ako sasagot ng— mahal na mahal din kita."


Kasing ganda ng lugar na ito ang pag-iibigan naming dalawa, na mas lalo pang magiging maganda simula sa araw na ito.


Wakas.

©2012 direk_whamba


LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon