6th Encounter

7.1K 152 13
                                    

6th Encounter


(3rd Person)


Noong unang panahon, ang lahing bampira, sa pamumuno ng Jotun na si Ymir, ang siyang dominanteng nilalang sa mundo. Ganunpaman, naniniwala siyang ang bawat isa ay may pantay na karapatan sa eksistensya. At upang mapanatili ang balanse at kapayapaan, hinati niya ang mundo sa siyam na bahagi. Ang siyam na bahagi ng mundo kung saan nabubuhay ang iba't ibang nasyon ng mga nilalang ay nahahati pa rin sa tatlong palapag.


Sa ikatlong palapag o ituktok ay naroroon ang mga sumusunod:


Ang Asgard na tahanan ng mga Aesir o ang pinakamalalakas na bampira na maihahanay na sa pagiging diyos at diyosa; ang lugar kung nasaan nakatayo ang dakilang puno ng Yggdrasil. Sinasabing kung sinuman ang magmay-ari niyon ay parang nagmay-ari na rin ng buong mundo.


Ang Vanaheim na tirahan ng mga Vanir, o mga bampirang may kakaibang kapangyarihan.


Ang Alfheim na tirahan ng mga Liosalfar (Light elves). Subalit abandonado na ang lugar na iyon sapagkat naubos na ang kanilang lahi.


Sa ikalawang palapag nandodoon ang:


Midgard na siyang mundo ng mga tao. Nakakonekta ang Midgard sa Asgard dahil sa bifrost na nawasak kamakailan lang.


Ang Jotunheim na lugar ng mga bampirang nagsahalimaw na. Nakakulong sila doon at lubhang mapanganib kapag sila ay nakawala sapagkat malapit ang lugar nila sa Midgard.


Ang Svartalfheim naman ay ang tirahan ng mga Svartalfar (Dark elves/ counterpart of Alfar).


At ang Nidavellir kung saan nandoroon ang mga Dvergar o duwende.


Sa unang palapag o ang pinakailalim ng mundo matatagpuan ang:


Niflheim. Sa isang parte ng Niflheim nananahan si Hel na siyang taga ingat sa mga namayapa na.

Sa kabilang ibayo matatagpuan ang Muspelheim na pinamumugaran ng mga Jotnar ng apoy at iba't ibang diablo.


Ang tatlong ugat ng Yggdrasil ay nakabaon sa tatlong palapag na iyon at pinoprotektahan ng isang dragon na kung tawagin ay Nidhogg.


Iyon kasi ang pundasyon ng buong mundo. Kapag nabunot ang kahit isa duon, magugunaw ang bahagi ng mundong nahugutan ng ugat ng Yggdrasil.


Magbalik tayo sa unang palapag. Ang lamig mula sa Niflheim ay sumasalungat sa init ng Muspelheim.


Magkagayunpaman, pinilit ng jotnar na si Sukmim na makipag-usap sa jotnar ng apoy na si Surtyr.


"SURTYR, NABATID MO NA BA ANG IBINALITA NI GNA?" sigaw ni Sukmim mula sa kabilang ibayo. Kailangan niyang sumigaw sapagkat isang milya ang layo niya mula sa jotnar na kausap. Paano'y ayaw niyang matunaw kapag masyadong lumapit kay Surtyr.



"OO! NABALITAAN KO ANG TUNGKOL KAY YMIR!" ganting sigaw ni Surtyr mula sa kabilang ibayo. Natatakot siyang lumapit kay Sukmim dahil baka mamatay siya sa lamig.


"—SURTYR, DAPAT NA TAYONG KUMILOS! KUNTENTO KA NA BANG NANDITO LANG TAYO SA PINAKAMABABANG BAHAGI NG MUNDO KUNG NANDIYAN NAMAN ANG ASGARD?!"


"MAY PUNTO KA SUKMIM! BALAK MO BANG PATAYIN ANG TAGAPAGMANANG AESIR NA SI ODIN?"


Umubo muna si Sukmim. Pakiramdam niya ay mamamaos na siya kakasigaw. "HINDI. SI ODIN AY MAY MGA TAGLAY NA KAPANGYARIHANG MAAARI NATING PAKINABANGAN. SA NGAYON AY DUKUTIN MUNA NATIN SIYA AT IPIIT DITO SA NIFLHEIM HABANG NAG-IIPON TAYO NG PWERSA!"

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon