4th Encounter

7.4K 176 46
                                    

4th Encounter


(3rd Person)


Dagling nasalag ni Loki ng kanyang espada ang isang lumipad na patalim.


"Siraulo ka Fenrir! Pumili ka naman ng lugar para umatake!" galit niyang sigaw. Paano na lang kung aksidenteng natamaan si Serenity?!


Hindi pa rin siya tinantanan ng mga ligaw na patalim kaya nagpasya siyang lumayo sa mansyon. Nagpalipat lipat siya sa mga puno at nung sa tingin niya ay malayo na ang kanyang narating, hiniwa niya ang puno sa harapan. Umikot siya dun at nag-abang sa papalapit na kalaban.


Lumagaslas ang mga puno. Sa may bandang likuran niya ay tumalon ang isang itim na lobo. Hindi iyon si Fenrir dahil hindi pa naman kabilugan ng buwan. Kamuntikan na siyang masakmal nito kung di siya nakailag.


Umalulong yung lobo saka naglabasan mula sa pagtatago sa dilim ang iba pang mga kauri nito.


"OY FENRIR PERSONALAN NA YAN! WALANG SISIHAN KAPAG NASUGATAN KO YANG MGA ALAGA MO AH?!"


Sa wakas ay lumitaw na rin ang ugok na si Fenrir na nakaupo sa sanga ng pinakamataas na puno. "Bakit anong problema Loki? Wag mong sabihing humina ka na porket wala na sayo ang kapangyarihan ni Ymir?"



Hindi talaga siya gustong patawarin ni Fenrir. Bubugbugin muna niya ito baka sakaling maalog ang utak nito at patawarin na siya. Kahit ba mas matanda ito, wala itong karapatang i-bully siya ng sagad.


Maliksi ang mga lobong paabante na sa kanya. Isinubo niya ang handle ng kanyang espada tapos ay inilapat sa lupa ang dalawang palad. Unti unti siyang nagtransform. Tinubuan siya ng mga balahibo at buntot hanggang sa wala na siyang ipinagkaiba sa mga lobong kalaban.


Dinamba ni Loki ang unang lobo na sumugod. Ipinaling niya ang espadang kagat niya at may dalawang nahagip ng talim niyon. Naging usok kaagad ang mga lobong natamaan.


Hindi naman pala totoong lobo ang kalaban niya kaya hindi niya kailangang mag alinlangan na mapatay ang mga iyon.


Sa may puno ay hindi basta nanonood lang si Fenrir. Pinapana siya nito gamit ang palasong nagliliwanag ang dulo.


Pinagsabay ni Loki ang pag-atake at pagdepensa na lubhang nakakaubos ng lakas. Gaya nga ng sabi ni Fenrir, nawala na sa kanya ang kapangyarihan ni Ymir buhat pa nung ma-purify siya ng puno ng Yggdrasil.



At isa pa, may mga ginagamit siyang mahika na on-going ang epekto at on-going na kumukuha ng enerhiya mula sa kanya: ang mahika ng eksistensya at ang mahika para makatagal siya sa sikat ng araw..


'Argggh!' nakagat ng isa sa mga kalabang lobo ang kanyang likuran. Sa panandaliang paghinto niya, sunod sunod siyang nahuli ng iba pang lobo.



Hindi patas ang laban. Kahit anong gawin niya, tila hindi nababawasan ang mga lobo na mukhang mas dumadami pa.


Pumalag siya mula sa pangunguyog ng mga lobo at nagbalik sa kanyang totoong anyo upang gumamit ng mas malakas na mahika.


Nagpahabol muna siya. Nung sa tingin niya ay sapat na ang nagawa niyang distansya sa mga kalaban, mariin niyang hinawakan ang espada niya. Nagbagong-anyo iyon; napuno ng mga tinik at maliliit na mata.


Nag-abang siya ng tamang timing. Dumating na nga ang mga lobo. Nung papalundag na sa kanya ang mga iyon, humiwa siya sa kanyang harapan.


Na-shoot ang mga lobo sa isang mapakalaking itim na butas patungo sa ibang dimensyon.

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon