33rd Encounter

4.7K 114 9
                                    

33rd Encounter


Loki's POV:


"AAAAHHH—! M-MASAKIT!"


"—Shhh anak tahan na... Tinawag na namin ang doktor."
niyayakap na si Serenity ng kanyang ina na hindi mawari kung ano ang gagawin. Nasa kabilang side ako ng kama at magkatapat lang kami.


Sinubukan ni Serenity na hawakan ang kamay ko pero lumayo ako. "Lalabas po muna ako mama."


Sa pagmamadali ko, natabig ko pa yung isang paso ng bulaklak na nakalagay sa sahig. Halos punuin na namin ng paso ng magagandang bulaklak ang ward na ito at nagmukhang hardin na. Hiling yun samin ng asawa ko.


"L-Loki... L-Lo-ki..." tinatawag ako ni Serenity pero hindi ko siya nilingon. Paglabas ko ng ward, siya namang dating ng doktor niya.


Pumunta ako sa veranda ng hospital para magpahangin. May ilang linggo nang naka-confine dito si Serenity; hanggang ngayon ay hindi pa rin nila malaman kung ano ang sakit niya.


Ibang iba na ang hitsura ni Serenity ngayon. Mukha na siyang bangkay dahil halos wala na siyang kalaman laman sa katawan.


Kasalanan ko to. Nalason ko si Serenity pero hindi pa rin ako lumayo sa kanya. Nauubos na ang options ko.


Gusto ko siyang gawing bampira subalit hindi maaaring dugo ko ang inumin niya. Posibleng ikamatay pa niya yun. Hindi naman ako papayag na ibang bampira ang maging master niya—


Ang tulong ni Fenrir, tatanggapin ko na nga ba yun?


Bakit hindi ko muna itanong sa kanya kung ano ang gusto niya?


Pupunta ako ngayon ng Asgard. Bago ako umalis, sinilip ko muna si Serenity. Nakatulog na siya dahil sa ibinigay na gamot.


Pagdating ko ng Asgard, ginawa ko ang lahat para iwasan ang ibang Aesir pati na si Surtyr at ang matalik na kaibigan ni Serenity.


Naabutan ko si Fenrir na nasa Valhalla.


"Kamusta Loki?" walang ngiti niyang bati sakin.


"—Pagalingin mo si Serenity. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo." diretsahan kong sabi.


"Kahit ang maging kapalit ay buhay mo? Sigurado ka ba diyan ha Loki?"


Hindi ko alam kung sinusubukan ba niya ako o ano. Hindi ako natatakot mamatay. Ang ikinatatakot ko ay ang mamatay ang pinakamamahal ko.


"Kaya kong ibigay ang buhay ko."


"Kung ganun, sumama ka sakin."


Inabot ko ang kamay niyang nakalahad. Dinala ako ni Fenrir sa Valaskaif na siyang dating templo ni Ymir.


"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.


Itinuro ni Fenrir ang pabilog na butas sa itaas namin.


"Namamahinga na ngayon si Odin. Ngunit bago pa yun, iniwan niya ang lahat ng negatibong kapangyarihan at ikinulong iyon sa apat na higante sa pamamagitan ng isang sigil."


—Kaya pala hindi ko na nakikita si Odin.


Sunod namang itinuro ni Fenrir ang apat na estatwa sa magkabilang pader ng templo. "Ang apat na rebultong nandito ay sumisimbulo sa apat na higante. Sa Silangan, si Austri; Sa Kanluran, si Vestri; sa Hilaga, si Nordi; at sa Timog, si Sudri. Hawak nila ang iniwang kapangyarihan ni Odin. Ang gusto ko ay lupigin mo ang apat na higanteng yun."

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon