7th Encounter

6.6K 164 20
                                    

7th Encounter


(3rd Person)


Bumagsak na ang panghuling valkyrie na si Reginlefir (her name means God's daughter). Nagyeyelo ang halos kalahating porsyento ng kanyang katawan at ang balat niya ay nagkulay asul; gaya ng iba pa niyang mga kasamahan. Napangiwi siya nang tapakan ni Sukmim ang kanyang tagiliran.


"Nangangati ang mga kamay kong tapusin kayong lahat pero mas kailangan kong magmadali. Ayoko namang hintaying may mga vanir pang mapasugod dito."


Tinadyakan niya ang nakahandusay na katawan ni Reginlefir, ganundin ang iba pang mga valkyrie na literal na nakaharang sa dadaanan niya.


"Odin, kamusta? Matagal tagal na rin simula nung huli tayong magkita. Maraming salamat sa ginawa mo kay Ymir. Tama yun. Binunutan mo ng tinik sa lalamunan ang mga Jotnar!"


Unti unting nagyelo ang katawan ng natulog na Aesir hanggang sa nakulong ito sa isang napakalaking bloke ng yelo. Lumutang yun sa ere at sumunod kay Sukmim.


Nasa kanila na si Odin. Maghahanda na sila ni Surtyr para sa susunod na hakbang.


"Ah! Bago ko makalimutan—" nagpalabas si Sukmim ng daan daang matatalas na icicle. Ipinukol niya ang mga iyon sa mga puwang ng tatlong ugat ng dakilang puno.


Nyihihi~


Nyaa~


Nagsitalunan palabas mula sa ilalim ng Yggdrasil ang mga callicantzaros. Sila yung mga maliliit na nilalang na kalahating tao at kalahating kambing (cherub-like, same as Greek myth's satyrs) na naninirahan sa ilalim ng Yggdrasil. Tuwing magpapasko lamang sila pinakakawalan ng mga Aesir upang manumbalik ang lakas na hinigop ng mga ito sa dakilang puno. May mga sabi-sabi na nagiging isang callicantzaro ang isang sanggol na ipinanganak sa ikalabindalawang gabi ng Pasko.


Mapanira at bayolenteng nilalang ang mga callicantzaro subalit hindi nila magagawang pasukin ang isang tahanang mayroong liwanag sa loob.



"Wahahaha! Humayo kayo mga callicantzaro at maghasik ng lagim sa midgard!" pasigaw na utos ni Sukmim.


Pinagsisira ng mga malilit na nilalang ang mga bakod at halaman sa paligid ng Yggdrasil habang sila ay paalis.


"Dapat na rin siguro ako umalis." ani Sukmim sa kanyang sarili.


"—Ikaw ba Sukmim? Saan mo gustong dumaan kapag dinispatsa kita? Sa sirang Bifrost ba? O sa ilalim ng napakalaking Nidhogg. Kung hindi mo kasi alam, one-way lang ang lagusang papunta dito galing Nidavellir."


Natameme si Sukmim sapagkat may kung sino ang bigla na lang umakbay sa kanya. Nilingon niya iyon na walang iba kundi ang Aesir na si Loki!

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon