Prologue

14.8K 295 57
                                    

Serenity's POV:



Whaaaaarhhh!


Wagas ang aking hikab. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at kumurap kurap.


Haaay ang ganda ng panaginip ko, parang pangsine. Siguro kapag isinulat ko yun, magiging sikat ako, magiging best selling.. Tapos.. Tapos gagawing pelikula, kakabugin ang sales ng Avatar at The Hunger Games!


Ay bongga!


May hawak pa pala akong pambungkal ng lupa!


Hala? Nakatulog ako?— HABANG NAGTATANIM?!


Hapon na pala. Kulay kahel na ang langit na tanaw mula sa glass roof nitong greenhouse.


Tumayo na ako at pinagpag ang puro lupa kong uniporme.


"Hoy besyyyy! Di ka pa ba tapos diyan? Bilisan mo at kukuhanan pa kita ng picture!" tawag ako ni Coleen.


Nakasungaw siya sa may pinto.


"Susunod na ako, ililigpit ko lang tong mga ginamit ko!" pagkasabi ko nun, iniwan na niya ako.


Bago ako nakatulog, itinanim ko pala yung pulang rosas na galing sa mga koleksyon ko ng bulaklak sa veranda ko. Wala kash nun dito. Hopefully, sana maparami ko sila bago kami maggraduate next year.


Kinuha ko ang paso ng rosas at tingnan tingnan ko.


Nawala yata ako sa isip at bigla kong nabitawan ang paso.


"Aaay!"


"Safe!" mabuti na lang at may sumalo ng paso. Nakahinga ako ng maluwang.


"Heto. Sa susunod kasi mag-iingat ka. Sayang naman yang rosas. Mukhang nag-iisa lang yan dito sa greenhouse."


Hindi ako sa rosas nakatingin kundi sa lalaking nasa harap ko.


Parang kilala ko siya na parang hindi. Ewan!


Pero iba ang pintig ng puso ko. Mas intense pa kesa sa nararamdaman ko kapag kaharap si Rain.


"Paborito mo ba ang pulang rosas?" tanong ko.


Tumango siya sabay ngiti.


Yieee kinikilig ako..


"Parang ngayon lang kita nakita?"


"Ah, oo nga pala. Transfer student ako. Kanina pa nga ako nandito sa school pero ngayon lang tayo nagkita."


Nayong alam ko na ang favorite flower niya… Kailangan malaman ko naman ang pangalan niya, ang favorite food niya, favorite color— LAHAT!


"Ako nga pala si Serenity. Ikaw, anong pangalan mo?"


"Ako pangalan ko ay—-"



Parang alam ko na ang pangalan niya kahit di pa niya sinasabi. Wild guess lang.


At namangha ako nang marinig ko nga kung ano iyon.

"—Fenrir Asora."

Bakit... parang nagkamali ako ng hula?

Oh well.. "Siya nga pala, aalis na ako dahil magagalit na sakin ang Bessy ko. See you around!"

May 'see you around' talaga Serenity? Chuu!

"Ingat ka Serenity!" pahabol sakin ni Fenrir.


****

Sa kalagitnaan ng domain na tinatawag nilang Helheim, kung saan napupunta ang mga nilalang na pumanaw na galing sa Midgard at Asgard, nakatayo ang isang may katamtamang laki ng puno na hugis-babae, o maaari ring isang babae na mukhang puno. Tipak-tipak ang kanyang balat na tinubuan na yata ng mga lumot kung saan saang parte. Ang kanyang ulo ay masanga at may mangilang dahon ang nakasabit doon.


Siya ay walang iba kundi si Hel, ang reyna ng Helheim. Kumibot kibot ang kanyang matigas na katawan sa tuyot na kalupaan. Kung mapagmamasdang maigi, siya lamang ang bukod-tanging nilalang na nandito ang makikitaan ng buhay, palibhasa'y ang Helheim ay kawangis ng isang madilim na kakahuyan ng taglagas; walang kulay kundi kulay ng abo.

Sa paahan ni Hel umusbong ang isang ugat. Unti-unti iyong nagkakaroon ng hugis at nagkokorteng tao kalaunan!

"Bilang pagtugon sa ating kontrata kung saan ako ay naging iyong alipin, ibabalik ko sa iyo ang nawaglit mong buhay! Kapalit yun ng pagtatapos ng kahiya-hiyang kontrata!" wika ni Hel na animo'y isang palahaw ng nangamatayan.

Ang binigyang-buhay niya ay hindi pala isang tao kundi— isang bampira. Ang bukod tanging bampira na nakapanlinlang sa kanya noon upang sila ay magkaroon ng isang kasunduan. Walang iba kundi si Loki.

"Hel—" mahinang anas ni Loki.

"Wag na wag mo na akong lalapitan simula ngayon. At kapag namatay ka pang muli ay hindi na kita pagbibigyan pa! Makakaalis ka na dahil hindi rito ang lugar ng mga buhay!"

Nag-inat inat si Loki bago umalis ng Helheim. Ngayong nabuhay siyang muli, isa iyong pagkakataon para ituwid ang kanyang nabaling landas, at balikan ang babaeng kanyang pinakamamahal.

——

direk_whamba

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon